Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

5 Christmas Dishes That Bring You Back Home

5min
5 Christmas Dishes That Bring You Back Home

Binibilang mo na ba ang mga araw bago mag-Pasko? Ilang tulog na at magsasalu-salo na ulit ang buong pamilya sa Noche Buena! 

Pero ano nga ba ang mga handa of dishes na binabalik-balikan nila? Syempre nandiyan na ang mga nakasanayan tulad ng Embutido recipe or  BBQ Pork recipes na patok sa lahat!

Narito ang 5 Christmas dishes na masarap balikan ngayon Pasko:

1. Holiday Embutido: Hassle-Free Recipe

May mga handang automatic na hinahanap mo pag-uwi sa bahay tuwing Pasko. Isa na diyan ang Holiday Embutido.

Mas masarap pa kapag alam mong si Nanay mismo ang nagtimpla ng Embutido ingredients. Pagdating sa mesa, syempre may ketchup sa tabi. Kapag maraming nailuto sa Noche Buena, may sobra pa para sa bisita, pang-baon, o pang-ulam kinabukasan.

2. BBQ Pork: Holiday Crowdpleaser

‘Di dapat mawala ang saucy, smoky favorite ng tuwing Pasko: BBQ Pork. Core memory na ng marami ang paghahanda nito—may naka-tokang magluto, magpaypay, maglagay ng BBQ sauce, at mag-antay matapos ang ihaw. 

Amoy palang nito, nakakatakam na! Ang tamis ng brown sugar at sipa ng bawang ay mas nagpapalasa pa nito. 

Level-up ang sarap nito na siguradong mapapa-extra rice ang pamilya sa Noche Buena. Try this BBQ Pork recipe here!

3. Lumpiang Shanghai: Ultimate Christmas Classic

Hindi kumpleto ang handaan kung walang Lumpiang Shanghai. 

Hindi pa nagsisimula ang Noche Buena, pinapakpak na ng lahat ang crispy, fried wrapper na may lamang juicy ground pork. 

Binabalanse ito ng sweetness ng carrots at ng sibuyas na nagbibigay ng umami sa bawat kagat.

4. Pancit Canton: Quick & Easy Staple

Sabi nila, pampahaba ng buhay ang Pancit Canton – pero higit sa pamahiin nina Lolo at Lola, ito ang dish na nagpaparamdam sa’yo na nakauwi ka na. 

Basta may bilao ng pansit sa mesa, walang dudang masarap at espesyal ang Pasko. Inaabsorb ng canton ang flavors ng ginisang karne at gulay kaya nagiging malasa ito. Pigaan mo pa ng kalamansi para mas makumpleto ang lasa!

5. Lechon Belly Crispychon: The Main Character

Ang bida ng Paskong salu-salo: Lechon Belly Crispychon. Hindi pa nilalapag sa mesa, ramdam mo na ang excitement kapag meron nito kapag Noche Buena. 

Mag-uunahan ang pamilya sa pagkain ng malutong na balat at tamis-asim ng tanglad, bawang, at sibuyas sa loob ng ulam na ito. 

Basta present ang recipe na ito sa handaan, kumpleto na ang Noche Buena!

 

Bring Home the Magic of Christmas with MAGGI®

Sa kusina nagsisimula ang ilan sa pinakamasayang alaala tuwing Pasko. Habang sabay-sabay na nagluluto, nagkukwentuhan, at nagtatawanan ang pamilya, mas nagiging espesyal ang bawat handang inilalagay sa mesa.

Sa tulong ng MAGGI® Magic Sarap®, kaya mong gawing mas Magical hindi lang ang mga lutuin, kundi pati na ang mga moment na gusto nating uwian taon-taon.

For more holiday recipes, visit www.nestlegoodnes.com