Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

4 Noche Buena Dishes na Inaabangan sa Pasko

5min
4 Noche Buena Dishes na Inaabangan sa Pasko

Pasko ang isa sa mga pinaka-inaabangang holiday ng mga Pilipino. Ber months pa nga lang ay nagsisimula na ang mga countdown, nakatayo na ang Christmas tree, at syempre iniisip na rin kung ano ang ihahanda sa Noche Buena.

May ilang naghahanap ng hamonado ingredients, ‘yung iba hinahanap na ang afritada recipe ni lola, at marami pang iba! Siguradong ramdam n’yo na rin ang Christmas spirit! Kaya naman, sabay-sabay natin ilista ang mga inaabangan natin tuwing Noche Buena.

1. Pork Hamonado with Pineapple: Sweet and Savory Special

Ang Pilipino, mahilig sa matatamis! Kaya madalas may Hamonado sa hapag!

Pero how to cook pork hamonado nga ba? Una, i-marinate ang pork belly. Mas matagal nakababad, mas manunuot ang flavors nito. Samahan ng pineapple chunks, na nagbibigay ng balanse at acidity sa bawat kagat. At higit sa lahat, slow cooking para ma-achieve ang sweet and savory flavor na  babagay sa makulay na okasyon.

Ito yung mga tipo ng ulam na excited na tayong tikman kahit hindi pa nagsisimula ang Noche Buena!

2. Chicken Afritada: Easy Panghanda

Sarsa pa lang, ulam na! Chicken Afritada ang iconic na handa na nire-request ng lahat!

Kaya kung naghahanap ka ng quick and easy Chicken Afritada, meron kami niyan! Madali lang i-prepare dahil sa simpleng ingredients lang ang kailangan. Manok, patatas, carrots, bell pepper, at tomato sauce, mayroon ka nang makulay at masaganang ulam sa Pasko!

Ngayon, ang controversial na tanong, dapat ba lagyan ng pasas o hindi?

3. Relyenong Bangus: Sikat na Isda na Siksik sa Lasa

Alam mong may handa kapag nakahain ang recipe na ito sa gitna ng mesa. Pero how to make Relyenong Bangus nga ba?

Matrabaho ito dahil maraming proseso ang pinagdadanan bago ihanda at maluto. Kailangang i-debone ang bangus, iluto ang laman kasama ng gulay na gagamiting filling, ibalik sa loob ng isda at iprito ulit.

Tulad ng matagal na paghihintay natin sa pagsapit ng Pasko, sobrang worth it din ng paghahanda ng relyenong bangus dahil siksik ito sa sarap. Samahan mo pa ng sawsawan na may toyo, calamansi, at sili!

4. Carbonara: Creamy Christmas Favorite

Hindi mawawala ang pasta sa Pasko. At iba-iba man ang personal favorite natin, hindi maitatanggi ang takam factor na naibibigay ng Pinoy-style carbonara!

Nababalot ang pasta sa creamy na sauce, habang nagbibigay ang bacon ng maalat at smoky flavor sa bawat kagat. Finish off with parmesan cheese para sa dagdag na cheesy sarap at siguradong mapapabalik ka for another serving.

Mas convenient din itong ihanda tuwing Pasko, lalo kung may Christmas ham na sa bahay. Hiwain lang at idagdag sa carbonara kasama ng bacon para sa mas meaty at masarap na flavor profile.

Gawing Magical ang Handaan with MAGGI®!

May mga handa na talagang inaabangan tuwing Noche Buena, at mas masarap silang pagsaluhan kapag sama-sama ang pamilya.

Siyempre sa tulong ng MAGGI® Magic Sarap® at MAGGI® Savor, kaya mong gawing mas espesyal pa ang handaan dahil nakakatulong ito para mailabas ang linamnam ng bawat ulam.

Kaya ngayong Pasko, ihanda na ang mga paborito at gawing mas Magical ang handaan kasama ng MAGGI®.