Kapag narinig mo ang “Mindanaoan cuisine,” anong unang naiisip mo? Baka ang mabangong aroma ng spices sa kumukulong balbacua. O kaya naalala mo ‘yung unang subo mo ng beef rendang—malambot ang karne,may tamang-tamang sipa at anghang, tapos may hint ng niyog sa dulo. At siyempre, ‘di pwedeng kalimutan ang palapa—‘yung parang sawsawan na may sakurab, luya, sili, at lasang hindi mo agad maipaliwanag kung anong special dito pero binabalik-balikan mo. Walang katulad ang lutong Mindanao. Pero ano nga ba ang sikreto? Mga sangkap na makikita lang sa mismong lupa nila. Hindi madaling hanapin sa ibang parte ng bansa, pero bumubuo sa distinct identity ng Mindanaon cuisine.
Bilang pakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim ngayon panahon ng Ramadan, narito ang MAGGI® para tulungan kang alamin ang mga local ingredients mula sa Southern Philippines. Malaking tulong ito lalo na kung pinaplano mong magluto ng mga Mindanaoan dishes. Kaya ano pang hinihintay mo? Read through the list below to find out what makes each ingredient magical!
1. Sakurab (White Scallion)
Considered as the ‘soul’ of Mindanaoan cuisine, ang sakurab ay isang uri ng wild leek na native sa Lanao del Sur. May kakaiba itong aroma na maihahalintulad sa amoy ng sibuyas, pero mas matapang. Paano ba ginagamit ang sakurab? Isang paraan diyan ay pagdikdik nito kasama ng lut turmeric upang makagawa ng palapa. Pwedeng gamitin ang Palapa as a condiment o ‘di kaya ay pampasarap sa mga lutuin tulad ng Piaparang Manok.
2. Suwa (Native Lime)
Dahil sa Malay influences, mas maanghang talaga ang mga lutuin sa southern part ng Pilipinas. Kaya ang tanong ng marami, paano nila ito bina-balance out? Diyan papasok ang suwa na native sa Northern Mindanao. Mas aromatic ito kumpara sa calamansi at mas sharp ang acidity o asim kaya bagay itong ilahok sa mga dishes tulad ng Sinuglaw (Mindanao-style Kinilaw).
3. Tabon-Tabon
Kung may suwa sa isang recipe, paniguradong may kasama rin ‘yan na tabon-tabon! Isa rin kasi itong native fruit na matatagpuan sa Northern Mindanao. Kadalasan itong ginagamit sa mga Mindanaoan recipes tulad ng Sinuglaw para matanggal ang lansa at amoy ng isda. Nakatutulong din ang acidity nito para maiwasan ang indigestion mula pagkain ng raw seafood.
4. Luyang Dilaw (Turmeric)
Ilan sa mga iconic traits ng Mindanaoan cuisine ay ang kakaibang ginger aroma at manilaw-nilaw na kulay nito. Ilang halimbawa diyan ay ang Piarapang Hito at Piaparang Ampalayang Uwak (parya laut). Ang mga dishes kasi na ‘to ay may halong turmeric o kunig (kyuning) in local language. Nagbibigay din ng earthy flavor at ‘linamnam’ ang turmeric lalo na sa mga stew-based recipes!
5. Palapa ( 3 types of palapa: palapa a sakurab ( maranao and iranun), palapa a niyog ( maguindanaun), bubuk (yakan, samah, kagan) )
Hindi lang basta condiment, ingredient din sa maraming Mindanaoan dishes. Considered ang palapa bilang isang kitchen staple. Dahil sa linamnam at anghang nito, pwede tong ipares mula sa mga simpleng lutuin tulad ng kanin at scrambled eggs hanggang sa mga festive recipes tulad ng Chicken Curry at Pater (pastil).
6. Kulma Spices (Curry Blends)
Dahil malapit ang Mindanao sa Malaysia at Indonesia, malaki ang impluwensya nila pagdating sa spices at curry-based dishes.Sa mga Mindanaoan cuisine, karaniwan ang paggamit ng curry blends gaya ng turmeric, cumin, coriander, at iba pa. Nagbibigay ang mga ito ng earthy, aromatic layers sa bawat ulam. Isa sa mga best examples nito ay ang Beef Kulma ng mga Tausug. Para itong beef curry, pero may distinct na lasa—malasa, creamy, may sipa ng spice, at lutong-bahay ang dating.
7. Siling Labuyo (Native Chili)
Maliit man, hindi magpapahuli ang native chili ng Mindanao! Bagamat mas maliit ito kumpara sa siling labuyo ng Luzon at Visayas, mas ramdam ang anghang nito. Kaya nga lagi itong kasama sa mga recipes na may gata o coconut cream para mabalanse ang lutuin.
8. Niyog (Coconut)
Kung may curry blends at spicy pastes, syempre hindi dapat mawala ang niyog! Dahil maraming coconut trees sa Mindanao, kalaunan ay naging malaking parte na rin ito ng kanilang cuisine. Hindi lang gata ang kasama sa lutuin! Pati na rin ang coconut water at kinudkod na niyog ay inihahalo sa dishes tulad ng Piyanggang Manok.
9. Burnt Coconut (Itum Style)
Nakakita o nakatikim ka na ba ng Tiyula Itum o kilala bilang Tausug Black Soup? Oo, isa itong stew na may itim na kulay. At ang sikreto ay burnt coconut! Sinusunog kasi ang coconut meat bago ito gawing paste. Pagkatapos ay ginagamit itong marinade sa karne o pampalasa sa soup upang magkaroon ng smoky flavor! Kakaiba at proudly Mindanaoan!
10. Landang (Native Palm Flour)
Bukod sa savory dishes, marami din ‘sweet’ recipes ang Mindanao. At para sa mga recipe na ito, ginagamit ang landang na gawa sa processed palm flour o buli. Parang tapioca pearls ang hitsura nito pero mas makapal at mas sticky kapag isinama na sa lutuin. Kaya kung plano mong magluto ang recipes tulad ng Binignit, make sure na meron ka nito!
Recreate Mindanaoan Dishes with MAGGI®!
Nakakatakam ‘di ba? Ganyan kayaman at kasarap ang food culture ng Mindanao! Kaya kung plano mong i-recreate ang ilang recipes nila ngayong Ramadan, siguraduhin na meron kang tamang local ingredients at MAGGI® sa ka-partner sa kusina! For more tips and recipes, visit www.nestlegoodnes.com/ph