Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Mga Pagkaing Sagana sa Vitamin D na Madaling Ihain

Hindi kailangang maging komplikado ang pagpapakain ng masustansya. Alamin kung paano mas madaling makakakuha ng vitamin D ang pamilya araw-araw.

5min
Batang umiinom ng gatas habang nag-aalmusal sa mesa.

Ayon sa National Library of Medicine, maraming bata sa Southeast Asia ang hindi nakakakuha ng sapat na vitamin D araw-araw. Sa Pilipinas naman, ayon sa Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute, anim sa bawat sampung batang Pilipino ang kulang sa vitamin D. Isa itong seryosong isyu na may direktang epekto sa paglaki, resistensya, at tibay ng buto ng bata.

Pero bakit nga ba mahalaga ang vitamin D, at paano ito nakakaapekto sa araw-araw na buhay ng mga bata? Narito ang ilang mahalagang paliwanag kung bakit kritikal ang vitamin D sa kanilang kalusugan.

 

Bakit Mahalaga ang Vitamin D?

Ang vitamin D ay hindi lang basta “sunshine vitamin” na natural na nabubuo sa balat sa tulong ng sikat ng araw. Isa rin itong mahalagang nutrient na tumutulong sa katawan na ma-absorb ang calcium na kailangan para sa matitibay na buto at ngipin. Bukod dito, malaki rin ang papel nito sa pagpapalakas ng immune system para makatulong makaiwas sa sakit.

Kaya para manatiling aktibo at hindi madaling dapuan ng sakit ang pamilya, mahalagang siguraduhin na may sapat na vitamin D araw-araw.

Mga Pinagmumulan ng Vitamin D

Siyempre, unang-una na riyan ay ang sikat ng araw. Sa loob lang ng 10-15 minuto ng pagbibilad sa umagang araw, puwede nang makakuha ng natural na vitamin D ang katawan. Pero dahil mas madalas nasa loob ng bahay ang mga bata, kailangang makahanap ng iba pang vitamin D sources for everyday meals.

May ilang halimbawa ng foods rich in vitamin D:

  • Sardinas, bangus, galunggong, tamban, at tulingan na abot-kaya at madaling isama sa ulam
  • Tuna in can na madaling ihanda at swak sa budget
  • Alimasag at hipon na meron ding zinc na tumutulong sa resistensya
  • Itlog, lalo na ang pula, na may natural na vitamin D
  • Atay ng manok o baka na may iron at vitamin A din
  • Gatas, lalo na ang fortified milk, na may dagdag na vitamin D at calcium
  • Keso na karaniwang fortified at madaling idagdag sa baon o lutuin
  • Yogurt at yogurt drinks na kadalasang may kasamang vitamin D at calcium
  • Fortified cereals na mainam sa almusal at puwedeng ihalo sa gatas
  • Fortified margarine o butter na puwedeng ipalaman sa tinapay o gamitin sa pagluluto
  • Tinapay o pandesal na may dagdag na vitamin D
  • Taho na gawa sa fortified soy milk

Ayon pa sa Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism, ang pagsasama ng tamang sun exposure at pagkain ng fortified foods ay isa sa mga epektibong paraan para makatulong maiwasan ang vitamin D deficiency.

Dagdag pa rito, ipinapakita ng isa pang pag-aaral na kapag kulang ang vitamin D sa katawan, mas nahihirapan ito na ma-absorb ang calcium at iba pang minerals na mahalaga para sa malalakas na buto at muscles.

Gatas na May 100% Vitamin D Para sa Tunay na Tibay

Kahit pinag-iisipan at pinaghahandaan ang masustansyang pagkain sa bahay, mahalaga pa ring may siguradong source ng vitamin D araw-araw, lalo na para sa mga batang aktibo at patuloy ang paglaki. Kapag sapat ang vitamin D, mas suportado ang tibay ng buto at ang pangkalahatang lakas ng katawan.

Ang BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk ay nakakatulong magbigay ng 100% ng daily vitamin D needs ng bata, batay sa nutritional requirements. Mayroon din itong protein at calcium na tumutulong sa pagbuo ng matibay na buto, kasama ang vitamin C, iron, at zinc na mga TIBAY nutrients na sumusuporta sa resistensya at pang-araw-araw na sigla.

Para naman sa mga adults, may BEAR BRAND® Adult Plus® Powdered Milk Drink na may adult level TIBAY nutrients para masuportahan ang pang-araw-araw na nutrisyon ng adults. Nakakatulong ito para masuportahan ang kalusugan ng buto, muscles, at immune system sa tulong ng calcium, protein, at vitamins C at D, habang sumusuporta rin sa brain function sa pamamagitan ng B6, B9, B12, at taurine.

Mas mainam inumin ang gatas tuwing almusal o meryenda. Sa ganitong paraan, nagiging natural na bahagi ng araw-araw na routine ang pag-inom ng gatas, kasabay ng dagdag na vitamin D para sa maghapon.

Sa bawat baso ng fortified milk, hindi lang katawan ang pinatatatag, kundi pati ang disiplina sa healthy living. Kaya isama sa meal plan ang mga pagkaing mayaman sa vitamin D para siguradong sapat ang nutrisyon at mas maalagaan ang pamilya sa kalusugan araw-araw.


References

Department of Science and Technology. (2021, August 11). Study shows 1 in 10 Pinoy kids lacks vitamin D. https://www.dost.gov.ph/knowledge-re-sources/news/72-2021-news/2390-study-shows-1-in-10-pinoy-kids-lacks-vitamin-d.html 

Hilger, J., Fischer, A., Schwarz, C., et al. (2014). A systematic review of vitamin D status worldwide. British Journal of Nutrition, 111(1), 23–45. https://doi.org/10.1017/S0007114513001840 

Cleveland Clinic. (2022, August 2). Vitamin D deficiency: Causes, symptoms & treatment. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15050-vitamin-d-vitamin-d-deficiency 

Holick, M. F., Binkley, N. C., Bischoff-Ferrari, H. A., et al. (2011). Evaluation, treatment, and prevention of vitamin D deficiency: An Endocrine Society clinical practice guideline. Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism, 96(7), 1911–1930. https://doi.org/10.1210/jc.2011-0385