Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Iba’t Ibang Milk Types Para sa Buong Pamilya

Nalilito sa dami ng milk types? Alamin kung alin sa full-cream, non-fat, o fortified milk ang swak sa kalusugan ng iyong pamilya.

5min
Isang pamilya na umiinom ng gatas at kumakain ng tinapay sa sala.

Ang pagpili ng tamang gatas ay parang pagpili ng tamang sandata para sa kalusugan ng iyong pamilya. Maraming milk types ngayon na nabibili. May pagpipilian mula full-cream milk hanggang fortified milk. Pero alin nga ba ang dapat piliin?

Narito ang isang simpleng guide para mas maintindihan ang mga types of milk at kung paano ito makakatulong sa bawat miyembro ng pamilya.

 

Full-Cream Milk: Natural na Sustansya

Ang full-cream milk ay mayaman sa natural na sustansya na nasa gatas tulad ng protein, calcium, phosphorus, at magnesium. Mayroon din itong mas mataas na fat content na nagbibigay ng mas creamy na lasa. Karaniwan itong nirerekomenda para sa mga batang edad 3 pataas, para suportahan ang kanilang growth at development.

Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang fat mula sa full-cream milk ay nakakatulong sa brain growth ng bata. Dahil sa taglay din nitong iba pang nutrients, malaking tulong ito sa tamang paglaki ng mga bata.

Para naman sa adults, puwede rin maging bahagi ng daily routine ang gatas na ito. Halimbawa, ang BEAR BRAND® Sterilized Milk ay 100% sterilized, ready-to-drink, full-cream milk na nagbibigay ng malinis at panatag na pakiramdam sa bawat inom. Ito ay gatas na may calcium at mataas sa B-vitamins at zinc na tumutulong pambawi ng lakas at suporta sa resistensya.

 

Low-Fat Milk: Ang Balanced Option

May 1.5–3% fat content lamang ang low-fat milk pero sagana ito sa protein at calcium. Ito ay isang nutritious option for kids and teenagers, lalo na iyong mga aktibo at mahilig maglaro.

Ayon sa National Library of Medicine, ang mga batang umiinom ng gatas na ito ay mas mababa ang risk ng obesity at heart disease. Dahil sapat ang sustansya pero mas mababa ang fat content nito, angkop din ang low-fat milk para sa adults na gustong maging mas mindful sa kanilang diet habang nananatiling active.

 

Non-Fat Milk: Magaan Pero Masustansya

Tinanggalan ng halos lahat ng fat content ang non-fat milk kaya mas mababa ito sa calories pero mayaman pa rin sa protein, calcium, at vitamins. Mainam ito lalo na sa mga adults na may mataas na cholesterol at fat intake o nagbabantay ng kanilang timbang. Sakto rin ito para sa mga batang kailangang bantayan ang calorie intake pero kailangan ng sapat na sustansya.  

Sabi sa Journal of the Academy of Nutrition and Dietetics, may dagdag benefits ang non-fat milk sa digestion dahil mas magaan sa tiyan at madali itong i-absorb. Kaya kung ang goal ay hindi mabigat sa pakiramdam especially after pag-inom ng gatas, non-fat milk ang isang praktikal at masustansyang option para sa buong pamilya.

 

Fortified Milk: May Dagdag Sustansya Para sa Pamilya

Ang fortified milk ay may dagdag na nutrients tulad ng vitamin D, iron, zinc, at vitamin C na mahalaga hindi lang para sa growing children, kundi pati na rin sa adults na nangangailangan ng araw-araw na nutritional support.

Tumutulong ang fortified milk laban sa iron deficiency at anemia. Ayon sa New England Journal of Medicine, ang anemia ay kondisyon kung saan kulang ang red blood cells o hemoglobin sa dugo. Maaari itong magdulot ng panghihina, madaling pagkapagod, at hilo sa bata man o sa matanda.

Ayon pa sa PLOS ONE study, ang mga batang umiinom ng milk na may iron at zinc ay 88% na mas mababa ang chance maging anemic kumpara sa mga batang umiinom ng regular milk. Mas maganda rin ang resulta sa hemoglobin at energy levels nila.

Pampatangkad at pampabigat din ang fortified milk. Sa parehong pag-aaral ng PLOS ONE, mas mabilis ang pagdagdag ng timbang at tangkad ng mga batang umiinom nito.

Ang good news ay maaaring mabili ang fortified milk in powdered form o as ready-to-drink milk. Ito’y dahil ang fortification ay isang prosesong naaangkop sa iba’t ibang format ng gatas.

Pagdating sa fortified milk para sa mga bata, ang BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk ay nagbibigay ng TIBAY nutrients tulad ng 100% vitamin D at vitamin C. Meron din itong protein, calcium, iron, at zinc na nakakatulong sa pangangalaga ng malusog na katawan at isipan.

Para naman sa adults, may BEAR BRAND® Adult Plus® Powdered Milk Drink na specially formulated para sa pangangailanga ng mga adults. Mayroon itong adult levels of TIBAY nutrients na tumutulong ma-meet ang 100% ng daily nutritional needs ng adults. Malaking tulong ito para masuportahan ang bones, muscles, at immune system sa tulong ng calcium, protein, at vitamins C at D, habang tumutulong din sa brain function sa pamamagitan ng B6, B9, B12, at taurine. Mayroon din itong right blend of creaminess and sweetness at no artificial sweetener added. 

Aling Milk Types ang Best Para sa Pamilya?

Depende ito sa edad, lifestyle, at pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya:

  • Fortified milk na dinagdagan ng mahahalagang vitamins at minerals para sa all-around nutrition ng bata at matanda
  • Full-cream, ready-to-drink milk para sa mga mas gusto ang gatas na puwedeng inumin agad, sa bahay man o habang nasa labas, at para sa mga mas sanay sa chilled milk
  • Low-fat o non-fat milk para sa mga mas mindful sa fat intake, kabilang ang school-age kids, teenagers, at adults

Maliban sa pagpili ng tamang milk types, mas mahalaga pa ring masigurong umiinom ng gatas ang buong pamilya araw-araw. Sa ganitong paraan, nakakakuha sila ng sapat na calcium, protein, at iba pang vitamins na kailangan para sa lakas, resistensya, at pang-araw-araw na sigla. 

 

References

Muth, N. D. (2023, October 3). Recommended drinks for children age 5 & younger. HealthyChildren.org. https://www.healthychildren.org/English/healthy-living/nutrition/Pages/recommended-drinks-for-young-children-ages-0-5.aspx  

Vesa, T. H., Lember, M., & Korpela, R. (1995). Lactose malabsorption as influenced by chocolate milk: S0002-8223(95)00126-3. Journal of the Academy of Nutrition and Dietetics.  https://doi.org/10.1016/S0002-8223(95)00126-3  

Bryan, J., & Osendarp, S. (2023). Nutrients and cognitive performance in children. American Journal of Clinical Nutrition.  https://ajcn.nutrition.org/article/S0002-9165(23)06999-X/fulltext

Heyman, M. B. (2006). Lactose intolerance in infants, children, and adolescents. Pediatrics, 118(3), 1279–1286.  https://doi.org/10.1542/peds.2006-1721

O’Sullivan, T. A., Schmidt, K. A., & Kratz, M. (2020). Whole-fat or reduced-fat dairy product intake, adiposity, and cardiometabolic health in children: A systematic review. Advances in Nutrition, 11(4), 928-950. https://doi.org/10.1093/advances/nmaa011  

Sazawal, S., Dhingra, U., Dhingra, P., Hiremath, G., Sarkar, A., Dutta, A., Menon, V. P., & Black, R. E. (2010). Micronutrient fortified milk improves iron status, anemia and growth among children 1–4 years: A double masked, randomized, controlled trial. PLoS ONE, 5(8), Article e12167. https://doi.org/10.1371/journal.pone.0012167

Weaver, C. M., & Peacock, M. (2011). Calcium. Advances in Nutrition, 2(3), 290–292. https://doi.org/10.3945/an.111.000463 

Zhou, L., et al. (2023). Dairy consumption and cardiometabolic health in children. Nutrients, 15(9), 2017. https://doi.org/10.3390/nu15092017

Singhal, S., et al. (2017). Nutritional comparison of plant-based and dairy milks. Frontiers in Nutrition, 4, 35. https://doi.org/10.3389/fnut.2017.00035