Ang gatas, hindi lang basta inumin, daily dose ng good health 'yan para sa mga bata. Kaya heto ang mga simple but major na tulong ng gatas sa katawan nila:
1. Support sa height at strong bones
Ang gatas ay may nutrients gaya ng calcium, vitamin D, at protein na tumutulong sa pagpapatangkad at pagpapalakas ng buto ng mga bata. May research na inilabas sa National Library of Medicine na nagpapatunay na ang gatas ay nakakatulong talaga sa pagpapatangkad, lalo na sa mga lugar na may malnutrition issue. Ang isang 8oz na baso ng gatas ay kayang magbigay na ng 50-60% daily calcium need ng anak mo.
2. Pampatibay ng muscles at katawan
Nakakatulong ang gatas na magdagdag ng timbang na hindi taba, kundi lean body mass, ‘yan ang sabi sa National Library of Medicine. May kasama ang gatas na dalawang klaseng protein, ang whey at casein, sila ang parang repairman ng muscles. Itong mga protein na ito ang nagpapalaki at nagpapatibay sa katawan ng mga bata.
3. Sagot sa kulang na nutrition
Sa diet ng mga bata, puwedeng may mga nutrients na nakakalimutan o kulang kang ibigay tulad ng vitamin D at calcium. Importante pa naman ito sa pagpapatibay ng buto at ngipin ng anak mo. Ang gatas ay mainam na tulong para pumuno ng mga kulang na nutrition na ’to.
Ang BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk Drink at BEAR BRAND® Fortified Choco Milk Drink ay may TIBAY nutrients para sa mga batang 3 years old pataas. Sa isang baso, meron ang mga ito ng 100% daily recommended need ng vitamin C at vitamin D, dalawa sa pinakamahalagang nutrients para sa immunity at bone development ng mga bata. Kasama na rin dito ang iron, zinc, protein, at calcium na tumutulong sa paglaki at overall health ng anak mo.
4. Tulong sa brain development and health
Ang fortified milk ay may iron na importante sa brain development ng mga bata ayon sa sa National Library of Medicine. Connected ang iron sa paggawa ng neurotransmitters na nakakaapekto sa memory at pag-aaral (learning) nila. Nakakatulong din ang iba pang nutrients na nasa gatas tulad ng B-vitamins para sa focus and pagganda ng overall brain health ng anak mo. Panoorin mo itong dagdag na info tungkol sa role ng iron sa brain development ng anak mo galing kay Miss B.
5. Dagdag protection laban sa sakit
Ang vitamins at minerals ng fortified milk ay tutulong sa pagsuporta sa matibay naimmune health. Nakakatulong din ang mga nutrients na ito para bumilis agad ang pag-recover ng bata kapag kakagaling lang sa sakit. Para sa iba pang tips kung paano maproteksyonan sa sakit ang anak mo, panuorin itong mga reminders ni Miss B.
Bakit “Complete Food” ang Tawag sa Gatas?
“Complete food” ang tawag sa gatas, according sa National Library of Medicine, dahil meron itong micro at macronutrients. Ang macronutrients ay mga nutrients na kailangan ng katawan sa mas malalaking halaga, tulad ng carbohydrates, protein, at fat. Samantalang ang micronutrients naman ang mga nutrients na kailangan sa mas maliliit na halaga, gaya ng vitamins at minerals. Importante pareho ang micronutrients at macronutrients dahil malaki ang papel nila sa paglaki, paglakas, at pagpapatibay ng katawan ng bata.
Nagbibigay ng energy ang carbohydrates, habang ang protein ang tumutulong sa pag-repair ng muscles at tissues. Kung ang carbs ay source ng energy, ang fats naman ay nagbibigay ng dobleng energy. Tumutulong din ang fats sa pag-absorb ng ilang vitamins sa katawan.
Isipin mo, sa isang baso lang ng gatas, meron na ng parehong micro at macronutrients na kailangan ng anak mo. Bonus pa, nakakatulong din ang mga nutrients na ito para sa brain development at pagpapaganda ng balat.
FAQs Tungkol sa Benefits of Milk