Simulan natin sa pork cut na gagamitin, mahalaga ang pagpili ng karne depende sa kung anong gusto mong outcome. May dalawang kang popular options: kasim (pork shoulder) or liempo (pork belly). Walang better option sa dalawa, nasa magluluto (at guests) kung anong pasok sa cravings mo.
Kasim ang pinakamadalas na ginagamit for Pinoy BBQ. May balance ito ng lean meat at moderate fat na nagbibigay ng variation sa flavor at texture.
Kung gusto mo naman ng melt-in-your-mouth experience sa Pinoy BBQ mo, gumamit ka ng liempo. Mas marami ang fat nito kaya naman mas juicy, it also caramelizes together with the marinade na puno ng flavor.
For a less popular option (pero pwede pa rin naman), nandyan ang pigue (hind leg). Mas lean ito at mas dry compared sa mga naunang option. Mas okay ito if maninipis ang hiwa or nakahalo sa ibang cuts for variety.
Kung ano mang pork cut ang gagamitin mo, ang pinakamahalaga ay siguraduhin na even ang cuts nito para maging uniform ang luto nito. Maiiwasan ang pagiging dry, sunog, o di kaya undercook ng Pinoy BBQ kung pantay ang hiwa ng pork.