Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Kapampangan Recipes for Your Holiday Potluck: Kawaling Pinoy’s Taste of Home

5min
Kapampangan Recipes for Your Holiday Potluck: Kawaling Pinoy’s Taste of Home

Kung naimbitahan ka sa holiday potluck, anong unang dish ang naiisip mong dalhin? Para sa marami, pancit o pasta ang to-to nila—madaling lutuin, marami pang servings. ‘Yung iba naman, fried or grilled dishes na siguradong hit sa lahat. Pero para sa maraming Pilipino, ito  ang perfect chance para magdala ng specialty dish mula sa kanilang probinsya o rehiyon—a little taste of home kumbaga! 

Para kay Lalaine Manalo, content creator ng Kawaling Pinoy, ito mismo ang ginagawa niya. Kapampangan dishes ang ibinibida niya sa mga potluck abroad!

“Potluck gatherings have been a way for me to fight homesickness…Sharing homemade dishes and stories brings back cherished childhood memories and recreates the feeling of home” ika niya.  

Bukod sa masasarap na recipes, naipapakilala pa niya sa kanyang mga kaibigan sa ibang bansa ang rich culinary heritage ng Pampanga—with the help of MAGGI®, to make every dish flavorful and effortless to prepare.

Tara, alamin natin ang mga Pampanga-inspired dishes ni Lalaine na siguradong patok sa potluck—made even better with MAGGI®!

Pampanga’s Finest: Sisig Liempo

Hindi maitatanggi–Sisig is a Filipino favorite, kilala hindi lang sa buong bansa kundi pati sa iba’t-ibang parte ng mundo. Over the years, ang dami na rin nitong variations: may chicken, tofu, sizzling style, at ‘yung iba nilalagyan pa ng mayo for extra creaminess! 

Pero para kay Lalaine, iba pa rin ang classic Liempo Sisig mula sa Pampanga. I-marinate lang ang pork liempo with MAGGI® Magic Sarap, ihawin hanggang sa maging perfectly charred, hiwain, at ihalo sa isang bowl ng spices at pampalasa. Simple at madaling sundan ang recipe pero nanunuot sa linamnam. Because with MAGGI®, there’s magic in every bite!

Kapampangan-Inspired: Citrus Caramel Apple Pork Chops

Isa sa mga childhood favorites mula sa Pampanga ay ang Pork Asado. Sino ba namang hindi matatakam sa malambot nitong karne na sinamahan pa ng golden brown sauce na may balanse ng sa tamis at asim. Kaya nga ito ang naging inspirasyon ni Lalaine para sa kanyang Citrus Caramel Apple Pork Chops recipe—ibang ingredients, pero Kapampangan soul pa rin ang lasa. 

Ima-marinate lang sa MAGGI® Magic Sarap ang pork chops, sunod ay ibe-bake o ipiprito sa pan, at muling lulutuin kasama ang sauce na gawa sa orange juice, brown sugar, at Nestle All-Purpose cream.

To Balance Your Potluck: Chicken and Broccoli Stir-Fry

Para sa mga Kapampangan na katulad ni Lalaine, mahalagang may balance ang handaan. Kung may Liempo Sisig at Citrus Caramel Apple Pork Chops sa hapagkainan, dapat may vegetable dish din to round things out.! 

Kaya recommended niya itong Chicken and Broccoli Stir-Fry na bukod sa mabilis lutuin, mas pinasarap pa with MAGGI® Oyster Sauce! Basta’t may chicken at broccoli na available sa kusina, kayang gawing mas malinamnam with MAGGI®!

A Taste of Home with MAGGI®:

Malayo man sa kanilang bansa at mga kapamilya, marami pa rin ang katulad ni Lalaine na ipinapadama ang sarap ng pagsasama sa pamamagitan ng pagluluto. 

“I like to bring comfort foods that everyone craves, but also something I feel good about serving to the family,” sabi niya.

Hindi mahalaga kung simpleng tanghalian o malaking holiday potluck—basta’t kasama ang MAGGI®, maipaparamdam mo ang pagmamahal sa bawat lutuin at sa bawat bonding moment.

Tulad ni Lalaine, marami sa atin ang naniniwala: Ako at ang MAGGI®, sarap magkasama

Kung na-inspire ka sa kwento at mga recipes na ito, you can find more by visiting www.nestlegoodnes.com