Hindi kumpleto ‘tong affordable dishes list kung walang All-in-One Tortang Giniling na perfect ihain almusal man, tanghalian, o hapunan! Tamang-tama ‘to kapag may leftover giniling ka pa. At sa halagang Php 40-90 lang, siguradong busog ang buong pamilya!
Total Estimated Cost: Php 40 – 90
Ingredients:
- 4 bawang (cloves), minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- ¼ kg giniling na baboy
- 1 pc patatas, peeled and diced
- 1 pc carrot (small), diced
- 2 tbsp vegetable oil
- 6 pcs itlog (medium)
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, giniling na baboy, patatas, at carrot sa vegetable oil at i-season gamit ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®
- Maghalo ng itlog at budburan gamit ng natitirang kalahati ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilagay at ihalo ang beaten eggs, at lutuin. Takpan ng plato ang pan at baliktarin. Ilagay sa serving plate at samahan ng preferred sauce.