Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

4 Regional Soup Recipes For A Rainy Day

5min

Lomi, bulalo, sinigang, tinola—siguradong kilala mo na ‘yan. Pero natikman mo na ba ang lauya ng Mindanao? O ang sinuwam na tahong ng Bicol? Paano naman ang dinengdeng ng Ilocos?

Ilocos Lauya

Sa bawat sulok ng Pilipinas, may recipes na may dalang kwento. Magkakaiba man ang sangkap at style ng pagluluto pare-parehong may dalang mainit na hagod na nagpapakalma sa bawat higop. 

Kaya dito sa MAGGI®, ibabahagi namin ang ilang regional soup recipes na bagay sa mga adventurous sa kusina. Perfect ‘to kapag tag-ulan—o kahit kailan mo gustong makatikim ng  masarap at masustansyang lutong-bahay.

ILOCOS LAUYA

Ang staple ng Ilocano cuisine, ang Lauya ay isang savoury beef soup na nagbibigay ng init-sarap sa bawat subo. Madalas ay gawa ito sa carabao meat na hinaluan ng madaming aromatics at seasoning tulad ng onion, garlic, peppercorn, at bay leaves.  At dahil Ilocano cuisine na din ang usapan, lagyan ng Sukang Iloko ang inyong Lauya para sa mas authentic na lasa.

Learn how to make Lauya. Basahin ang recipe dito.
 

SINUWAM NA TAHONG

Umaapaw na seafood in a light broth – yan ang Sinuwam na Tahong! Ang popular na soup na ito ay gawa sa sariwang tahong na ginawang mas fragrant gamit ang ginger, garlic, at onions. Pwede ka din magdagdag ng fresh herbs tulad ng cilantro, o kaya naman lemon juice para sa light and refreshing kick. Kung hanap mo ay briny but light broth na lasa ang lamang-dagat, go for Sinuwam na Tahong!

Try our Sinuwam na Tahong recipe here.

DINENGDENG

Ang Dinengdeng ay isang iconic vegetable dish mula sa Ilocos. Ang makulay na soup na ito ay puno  ng seasonal veggies tulad ng string beans, squash, eggplant, at iba pa! Traditionally, pina-partner ang Dinengdeng with grilled fish o bagoong, para dagdag-lasa sa light na broth nito. Simple lang pero ang lakas ng dating, yan ang Dinengdeng!

Do your own Dinengdeng! Start here.

BULANGLANG

Kung ang hanap mo ay sopas na siksik-busog sa laman pero healthy pa rin, subukan mo ang Bulanglang! Ito ay may umami ng fish o pork, mixed with fresh veggies tulad ng squash, kamote, eggplant, ampalaya at okra. Lasang-lasa ang sweet and savory flavors sa sopas na ito, kaya naman favorite pampainit ng marami ang Bulanglang.

Tikman ang umami burst ng sopas na ito. Check out our Bulanglang recipe here.

Sa mga regional soups na ito, makikita natin ang magic ng pagluluto: sa bawat higop, kayang kaya mong ikutin ang bansa at mas ma-appreciate ang ating culinary heritage. Kaya tara at maglakbay tayo sa mundo ng Pinoy food, gamit ang masarap at mainit na sopas.