Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Paano Turuan ang Bata sa Pagbasa Kung Nagsisimula pa Lang?

Ang pagtuturo ng pagbasa ay hindi kailangang maging stressful. Alamin ang simpleng tips para matulungan ang batang nagsisimula pa lang at gawing masaya ang proseso. 

5min
Asyanong pamilya na masayang nagbabasa ng libro.

Isa sa pinaka-importanteng skills na matututunan ng anak mo ang pagbasa. Dito kasi nagsisimula ang lahat—natututo silang mag-isip nang malalim, mangarap, at maging independent habang lumalaki sila. Pero aminin mo, minsan nakaka-stress isipin kung paano mo sila tuturuang magbasa, 'di ba?

 

Huwag kang mag-alala! Nandito ang simpleng guide para sa pagsasanay sa pagbasa at ilang tips kung paano makakatulong ang tamang nutrition sa brain development ni bagets.

 

Ano ang Pagbasa at Bakit ito Importanteng Matutunan ng Bata? 

Ang simula nang pagbasa ng isang bata ay importanteng bagay na maraming mabibigay sa kanyang maganda sa future.

 

Simple lang! Ito ang proseso kung saan natututo ang mga bata na intindihin ang mga letters, words, at symbols. Hindi lang ito basta tamang pagbigkas ng mga salita. Ito ang paraan para matuto sila, ma-enjoy ang mga kuwento, at makapag-communicate nang maayos.

 

Heto ang mga rason kung bakit importante matutong magbasa ang mga bata:  

 

Pinapatalas ang isip

Nagpapalakas ng vocabulary at grammar ng mga bata ang regular na pakikinig sa stories. Sabi sa National Library of Medicine, sobrang nakakatulong ang pagbabasa nang malakas at pagkukuwento para mas tumalino lalo ang bata.  

 

Para maging ready for school

Napapansin mo ba, yung mga batang maagang nahilig sa books, usually sila yung bibibo sa school? Kapag marunong na magbasa ang bata, nagiging magaling sila sa mga tests para masubukan ang husay nila sa memory, attention, language, at problem solving. Ang batang maaga rin naturuan ng pagbasa, sila rin yung nakakabuo ng good reading habits at motivations agad hanggang paglaki sabi sa Cambridge University Press.  

 

Naboo-boost ang creativity nila

Lumalawak ang imagination ng bata dahil sa pagbabasa. Nai-imagine nila yung itsura ng characters at places kaya natututo silang mag-isip nang malalim at maging creative.

 

Paano Turuan ang mga Batang Sinisimulan pa Lang ang Pagbasa?

Nakaka-overwhelm minsan magturo, pero puwede mo itong gawing masaya at meaningful na bonding time. Isama lang sa daily routine ang ilang minutong pagbasa kasama ang bata; sapat na iyon para unti-unti siyang maengganyo at mas maging confident magbasa.

Ito pa ang ilang mga tips na makakatulong sa inyo:

 

Start short.

Hindi kailangang mahaba ang oras para turuan ang bata magbasa sa isang araw. Kahit 5-10 minutes lang ng pagbabasa nang malakas, malaking bagay na ‘yan, sabi sa American Academy of Pediatrics. Puwedeng gawin bago matulog o after lunch; mahalaga lang na consistent itong parte ng inyong routine.

 

Gawing laro ang phonics.

Dahan-dahan na ituro sa anak mo ang letter-sound play o phonics. Ganito mo siya puwede gawin: Ituro sa bata ang tunog ng letter “K”, tapos itanong mo, “Nasaan ang tunog na /k/? Kkkubo!” Panoorin mo si Teacher Girl sa Bear Brand TikTok para makita mo kung paano niya ginagawang masaya ang pagtuturo ng tunog ng letters.  

 

Gumamit ng picture books.

Malaking tulong din sa mga batang nagsisimula pa lang sa pagbasa ang mga picture books. Ito yung mga libro na inuuna ang mga larawan para mas madaling maintindihan ang kuwento. Gaya ng ipinapakita sa Tibay Lesson video na ito, puwedeng gamitin ang pictures bilang unang hakbang sa pag-unawa ng binabasa, bago pa man basahin ang mga salita. Sa ganitong paraan, mas nagiging pamilyar ang bata sa nangyayari sa story at mas nagkakaroon ng kumpiyansa sa pagbabasa.

 

Sa mga beginners, malaking tulong ang pictures para ma-gets nila ang ibig sabihin ng mga salita o ang nangyayari sa story. Magtanong sa mga bata, tulad ng “Ano ang nangyayari rito?” o “Ano ang ginagawa ng mga bata?” Nakakatulong ito para mahasa ang comprehension at mas maging engaged sila sa pagbabasa.

 

Turuan ang mga bata na magbuo ng salita nang malakas.

Ipakita mo kung paano bigkasin ang salita nang dahan-dahan, gaya ng “i..b..o..n — ibon.” Pag na-try na nila, palakpakan mo agad! Check mo rin yung video ni Teacher Girl para sa examples kung pano ‘to gawin.  

 

Celebrate small wins.

Bawat salitang mabasa o ma-recognize ng bata, kahit ilang segundo lang ng attention, progress na ‘yan! Bigyan siya ng malaking smile at konting papuri para mas tumaas ang confidence niya at ma-inspire pang magbasa.

 

Paano Gawing Masaya ang Pagbabasa (Lalo na Kung Kayo’y Magkasama)?

 

Gawing masaya ang pagsasanay sa pagbasa ng iyong anak para mas mahalin niya ang process at bonding time na ito ninyong dalawa.  

 

Kapag enjoy ang bata sa pagbasa, mas bukas ang isip at puso nila na matuto. I-try mo itong mga masayang paraan para gawing enjoyable ang pagbabasa:  

 

Acting-acting din 'pag may time.

Ibahin mo ang boses mo para sa bawat karakter sa story. Puwede rin gumawa ng “scavenger hunt” o ipahanap mo sa kanila ang mga words na nakatago sa mga sulok-sulok ng bahay tapos ipabasa mo.

  

Hayaan mo siya pumili ng libro.

I-encourage mo si bagets na pumili ng libro at maglipat ng pages. Hayaan mo rin siya na manghula sa susunod na mangyayari sa story. Makakadagdag itong paggawa nila ng decisions para sa kanilang confidence at ma-motivate sila na mas lalong galingan ang pagbasa.  

 

Gawing interactive at masaya ang pagbabasa.

Kung mahilig sila sa fairytales, space, o animals, maganda ‘yan! Ang hilig nila ang magiging secret para sa tuloy-tuloy na pagsasanay sa pagbasa.  

 

Tip: Puwede mong i-download ang free workbook ng BEAR BRAND na may over 100 exercises at basahin ninyo nang sabay ng anak mo!  

 

Sabayan ng tamang nutrisyon para mas handa sa pagkatuto

Hindi lang oras at effort ang puhunan sa pagbabasa; mahalaga rin ang tamang nutrisyon. Kapag may sapat na energy at nutrients ang bata, mas nakaka-focus sila at mas handa silang matuto. Ayon nga sa pag-aaral mula sa Wiley Online Library, ang tamang vitamins at minerals ay may mahalagang papel sa brain support ng bata.

 

Painumin si bagets ng BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk o BEAR BRAND® Fortified Powdered Choco habang nagbabasa o pagkatapos ng study time. May TIBAY nutrients ito tulad ng iron, zinc, protein, at calcium na tumutulong sa tibay ng katawan at suporta sa cognitive development. May 100% vitamin C at D din ito para sa bone health, skin health, at immune support. Makakatulong ang mga ito para mas handa silang matuto araw-araw.

 

Huwag madaliin ang anak mo na matutong magbasa. Hindi naman ito karera, at hindi rin dapat siya ma-pressure. Iba-iba ang bilis ng bawat bata pagdating sa pagbasa. Ang mahalaga, maging masaya itong bonding moment at unti-unti niyang maging paborito ang pagbabasa habang lumalaki. Happy reading sa inyo!

 

References:

Weisleder A, Mazzuchelli DSR, Lopez AS, Neto WD, Cates CB, Gonçalves HA, Fonseca RP, Oliveira J, Mendelsohn AL. Reading Aloud and Child Development: A Cluster-Randomized Trial in Brazil. Pediatrics. 2018 Jan;141(1):e20170723. doi: 10.1542/peds.2017-0723. PMID: 29284645; PMCID: PMC5744270. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC5744270/ 

 

Sun Y-J, Sahakian BJ, Langley C, et al. Early-initiated childhood reading for pleasure: associations with better cognitive performance, mental well-being and brain structure in young adolescence. Psychological Medicine. 2024;54(2):359-373. doi:10.1017/S0033291723001381. https://www.cambridge.org/core/journals/psychological-medicine/article/earlyinitiated-childhood-reading-for-pleasure-associations-with-better-cognitive-performance-mental-wellbeing-and-brain-structure-in-young-adolescence/03FB342223A3896DB8C39F171659AE33 

 

Weisleder A, Mazzuchelli DSR, Lopez AS, Neto WD, Cates CB, Gonçalves HA, Fonseca RP, Oliveira J, Mendelsohn AL. Reading Aloud and Child Development: A Cluster-Randomized Trial in Brazil. Pediatrics. 2018 Jan;141(1):e20170723. PMID: 29284645; PMCID: PMC5744270. https://doi.org/10.1542/peds.2017-0723 

 

Cervo, Mavil May C., Mendoza, Diane S., Barrios, Erniel B., Panlasigui, Leonora N., Effects of Nutrient-Fortified Milk-Based Formula on the Nutritional Status and Psychomotor Skills of Preschool Children, Journal of Nutrition and Metabolism, 2017, 6456738, 16 pages, 2017. https://doi.org/10.1155/2017/6456738