Sa loob ng bahay nangyayari ang first step sa pagbasa sa kindergarten. Para mapadali ang pagpa-practice at learning nila, ito ang mga puwede mong gawin:
1. Gamitin ang everyday moments
Mas magiging ready ang bata sa unang pagbasa sa kindergarten kapag nako-connect mo ito sa araw-araw na gawain. Example, habang nagluluto ka, puwede mo siyang yayain na basahin ang recipe, o basahin niyo ang mga signboard sa tindahan.
2. Less screen time, more kuwentuhan time
Sabi sa National Library of Medicine, kapag nakatutok nang sobra sa gadgets ang bata, puwedeng maapektuhan ang reading readiness niya. Kaya imbes na pagamitin siya ng tablet, basahan mo na lang ang anak mo ng mga fun books gaya ng Filipino folk tales o picture books. Puwede rin kayonh magkuwentuhan tungkol sa pamilya niyo.
3. Gawin mong masaya at natural ang pagbabasa
Masayang gamitin ang pagbabasa sa pag-explore ng mundo. Mas okay kung relax lang ang anak mo at interesado siya sa binabasa niya, kaysa pinipilit mo siya. I-assign mo siya sa pagpili ng libro na gusto niyang basahin ninyo. Make sure na ma-encourage mo rin siyang magkuwento at magtanong tungkol sa nabasa ninyo.
Mga Senyales na Ready na ang Anak Mo sa Pagbasa sa Kindergarten
Paano mo malalaman kung handa na talaga siya sa kanyang unang pagbasa sa kindergarten? Mapapansin mo na ang mga ito:
1. Kilala na ang letters o sariling pangalan
Usually, gusto talaga ng bata na unang matutunan isulat at basahin ang pangalan nila. Pag alam na niya ito, ready na siya mag-level up sa reading.
2. Nagkukuwento sa sariling paraan
Hindi kailangang perfect ang retelling ng story ng anak mo. Basta nagagamit niya ang sarili niyang words at ideas para i-kuwento ang pagkakaintindi sa nangyari sa kuwento, good sign ‘yan.
3. Alam na niya na may meaning ang mga salita
Alam na niya na ang pagbabasa ay paraan sa pagkukuha ng information o ibig sabihin ng isang bagay.
4. Love niya ang books at storytime
Marunong na siyang humawak ng libro, alam kung saan ang tamang direction ng pagbasa, at dahan-dahan na siyang naglilipat ng pages. At excited na rin siyang magpabasa ng favorite story niya!