Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

KBL: A Taste of Iloilo’s Rich Culinary Culture

5min
KBL: A Taste of Iloilo’s Rich Culinary Culture

If there’s one dish that totally captures the heart of Iloilo, it’s KBL, which stands for Kadyos, Baboy, at Langka. Sa unang higop pa lang ng sabaw, damang-dama mo na agad ang puso’t pagmamahal na inilaan sa bawat sangkap..

May kakaibang sarap ang KBL na galing sa perfect combo ng tatlong sangkap: earthy at slightly nutty na kadyos, smoky and tender pork, at ‘yung manamis-namis na lasa ng langka na nagbabalanse sa lahat. At para malasahan ang linamnam to next level, may secret ingredient ito na nagbibigay ng kakaibang asim at  sarap to complete the experience.

 

A Taste Born From Iloilo’s Local Produce

Bago maging staple sa handaan o special occasions, nagsimula ang KBL bilang isang simple at pang-araw-araw na ulam na hango sa kung ano ang tumutubo sa mga bakuran ng mga Ilonggo. 

Hindi basta-basta mahahanap ang kadyos sa Maynila o Mindanao kaya talagang special ito para sa mga taga-Iloilo. Dati, tinatanim ito ng mga magsasaka dahil kahit tag-init, buong-buo pa rin ang tanim. 

Kapag season ng kadyos, sobrang mura nito, nakakabusog pa—kaya naging lutong bahay staple. At dahil sobrang dami ng puno ng langka sa Iloilo, parang fiesta tuwing may namumunga. Isang puno pa lang, buong barangay may ambag na. Ganun kasagana, kaya may pagsasaluhan ang buong community.

Siyempre, hindi mawawala ang baboy. Traditionally, pata ang gamit dahil malasa at malambot pag pinakuluan nang matagal. Pero ang hack ng mga lokal? Igrill muna ang baboy bago pakuluan. Ito ang magbibigay sa sa sabaw ng smoky at malinamnam na lasa!

 

Ilonggos’ Best Kept Secret: Batuan

Bawat Ilonggo, alam ang sagot sa bugtong na ito, “Among the many fruits in the forest, BUT ONE is the best. Ano ito?”

Ang secret sa KBL? Batuan.

Kung ang ibang regions may sampalok, calamansi, o kamias, may sariling pampaasim naman ang mga Ilonggo na endemic sa Western Visayas. Yung asim niya hindi mapait, hindi matapang, tama lang. Ito ang nagbibigay ng iconic na timpla ng KBL na hindi mo basta-basta makukuha sa ibang pampaasim.

Maraming Ilonggo ang magsasabi na kapag wala kang batwan, hindi ka nagluluto ng totoong KBL. Kaya nga kapag may balikbayan o may umuuwi mula Iloilo, madalas may bitbit na pack ng batwan or kadyos to bring the taste of home.

 

KBL Represents the Heart of Ilonggos

Habang tumatagal, ang KBL naging simbolo na ng pagmamahal ng mga Ilonggo. Ito ang ulam na niluluto bilang comfort food kapag umuulan o kaya ay celebration tuwing kumpleto ang pamilya, o may espesyal na bisita. Kahit simpleng ingredients lang, ang sarap nito ay naka-ugat sa tradisyon at kultura.

 

A Dish That Defines Home

Simple mang gawin, malalasahan mo sa KBL ang authentic na lutong Ilonggo. Lahat ng ingredients, may kwento. At bawat higop ng sabaw feels like home in a bowl. And with a little help from MAGGI®, you can bring that same familiar feeling to your own kitchen, in your own bowl of KBL. Tara, kaon ta?

See more regional recipes here: nestlegoodnes.com/ph