Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Everyday Sulit Meals Under P150

5min
Everyday Sulit Meals Under P150

Try these affordable recipes na pasok sa budget at sa panlasa.

Naranasan mo na rin bang mag budget gymnastics pagsapit ng petsa de peligro? Dagdag challenge pa kung may pamilyang umaasa sayo. Alam naming nakaka-stress ang ganitong sitwasyon kaya nandito ang MAGGI® para turuan kayong dumiskarte sa kusina. Sa halagang P150, kaya mong magluto ng meals na swak sa budget at malinamnam. Tara na sa kusina at sama-sama tayong magluto ng value-packed meals.
 

Tortang Talong

Estimated cost: P130 for 4 servings

Kung talong  lover ka, then this one’s for you. Staple na sa Filipino homes ang Tortang Talong. Bukod sa abot-kaya, siksik din sa Sarap Sustansya ang recipe na ito. Ang kagandahan pa dito, hindi ito mahirap gawin. Simply mash the grilled eggplant, coat it in egg, at budburan ng MAGGI® Magic Sarap. Gawin itong complete meal by serving it  with rice and ketchup. Easy-to-cook, hearty, at comforting.
 

Ginisang Sitaw

Estimated cost: P120 for 4 servings

Veggie day ba today? Ginisang Sitaw is your go-to. Hindi ka pagpapawisan sa recipe na ito dahil bagay siya for kitchen newbies. Mag-gisa ng bawang, sibuyas, at kamatis, at saka ihalo ang sitaw. Para balanced ang source mo of nutrients, dagdagan ng pork or tofu if may extra budget. Pagkatapos, budburan mo ng MAGGI® Magic Sarap for a magical finish. ‘Wag kalimutan ang rice to complete the experience.
 

Adobong Itlog at Kangkong

Estimated cost: P140 for 4 servings

Kung protein-rich ulam ang hanap ng pamilya, winner ang Adobong Itlog at Kangkong recipe na ito. Hard‑boiled eggs at kangkong— ilang ang mga ito sa mga ingredients that don’t break the bank. Bukod sa madaling ibagay sa maraming recipe, masarap din ito kapag adobo‑style. With MAGGI® Magic Sarap, toyo, suka, at bawang, makukuha mo ang signature savory‑tangy kick na huhuli sa panlasa ng pamilya. Hindi ito mabigat sa bulsa kaya kayang araw-arawin.

 

Why MAGGI® Magic Sarap Makes the Difference

Kung napansin mo, lahat ng ulam dito simple lang ang base flavors—mga lutong bahay favorites na nakasanayan ng mga Pilipino. Pero may isang bagay na nagbibigay ng kakaibang lasa: MAGGI® Magic Sarap. Sa isang sachet, lasap mo ang natural ingredients gaya ng para ka  ng bawang, sibuyas, at iba pang spices. Hindi mo na kailangang bumili ng kung anu‑anong ingredients para lang maabot yung linamnam na gusto mo—tipid na sa oras, tipid pa sa gastos.

Mas practical ito lalo na kung kailangan mong magluto nang mabilis pero gusto mo pa rin siguraduhing masarap ang pagkakaluto.

 

Bang For Your Peso.

Patunay ang mga recipes na ito na hindi mo kailangan ng malaking budget para makapaghain ng masarap at masustansyang meals. Sa konting diskarte at tamang seasoning, kaya mong busugin at pasayahin ang pamilya under ₱150.

Mapa-lunch ng mga bata o pang-hapunan ng buong pamilya, ang ending pareho lang: ubos ang kanin at busog ang lahat.

Kaya sa susunod na grocery run mo, tandaan mo lang: magplano, maglista, at mag‑MAGGI®. Hindi kailangang boring ang tipid meals, puwede silang panalo sa lasa at panalo rin sa bulsa.