Ang tanong ng marami, ano bang dapat ihain tuwing Iftar? ‘Yung madaling lutuin pero pang maramihan? Well, look no further! Nandito ang MAGGI® para tulungan kang padaliin ang iyong lulutuin. So, you can you spend more time with your family. Kaya ano pang hinihintay mo? Read our list below!
4 Iftar Dishes For Your Family This Ramadan
Sa paglubog ng araw sa panahon ng Ramadan, muling nagsama-sama ang buong pamilya para sa Iftar. Hindi lang ito simpleng kainan para mabawi ang enerhiya. Isa itong tradisyon para makipag-bonding with your loved ones, pagsaluhan ang kulturang Islam, at lasapin ang sarap ng mga Halal dishes.
1. The Mindanaoan Classic: Chicken Piaparan
Mapa-Ramadan man o karaniwang araw lang, hindi mawawala sa hapagkainan ng mga kapatid nating Muslim ang Chicken Piaparan. Isa itong traditional Mindanaoan dish made with chicken na nanunuot sa herbs and local spices! So what makes this the perfect Iftar dish? Madali lang kasi makuha ang mga ingredients nito tapos mabilis pang lutuin. Para mas mapadali pa, pwede kang gumamit ng MAGGI® Magic Sarap para i-marinate ang manok in advance at para mas kumapit pa ang ginisa flavor.
2. The Iftar Special: Beef Rendang
Kung naghahanap ka naman ng Iftar recipe na mas espesyal, then Beef Rendang is the answer! Isa rin ito sa mga proudly Mindanaoan recipes na mas pinasarap pa ng local curry spices. Pero here’s the catch: umaabot ng 2-3 hours ang pagluluto nito dahil pinalalambot ng husto ang karne ng baka. Buti na lang, mayroong MAGGI® Magic Sarap na malaking tulong upang gawing mas malasa at tender ang beef—saving you more minutes for your family!
3. Sarap Pampamilya: Pastil
Ang dating niluluto lang sa mga kusina sa Mindanao, ngayon ay kilala na sa buong bansa! Ang Chicken Pastil, o mas kilala rin bilang Kaliket, ay madalas mong makikita na nakabalot sa banana leaves. ‘Pag binuksan mo ito, makikita mo ang mala-adobo flakes na chicken shreds, tapos may kasama pang kanin at boiled egg—complete meal kumbaga! ‘Yan din ang rason kung bakit swak ito sa Iftar. Madali kasing lutuin at siguradong busog pa ang buong pamilya!
Here's a magical tip: Pwede mong i-skip ang paggisa when you use MAGGI® Magic Sarap. Gawa kasi ito sa real garlic, onions, at iba pang spices na swak para sa Chicken Pastil!
4. A Well-Deserved Treat: Sindol
Pagkatapos ng masarap na kainan at salu-salo ng pamilya, syempre hindi dapat mawala ang panghimagas. Buti na lang may recipe tayo diyan: ang Sindol ay isa ring Mindanaoan classic delicacy na maihahalintulad sa ginataang bilo-bilo. Saktong lang ang tamis pero comforting ang lasa—making your family feel ready for another day of fast!
For Magical Iftar Recipes, Mag-MAGGI®!
Ang Iftar ay hindi lang oras para kumain ang pamilya, mahalaga ito upang magsama-sama kasama ang mga mahal natin sa buhay. Matagal man o mabilis lutuin ang mga inihanda sa hapagkainan, ang mas importante ay niluto ito na may kasamang pagmamahal ng MAGGI®! For more magical recipes this Ramadan, just visit nestlegoodness.ph!