Bata man o matanda, kailangang protektado laban sa sakit. Araw-araw, humaharap ang katawan sa mikrobyo, polusyon, at stress na puwedeng magpahina sa resistensiya ng katawan. Kaya talagang mahalaga na may sapat na nutrients like minerals and vitamins for immune system para mapanatili ang lakas ng katawan.
Ayon sa World Health Organization, ang malakas na immune system ay unang depensa ng katawan laban sa infection. Kapag kulang ang katawan sa mahahalagang immune boosting nutrients, tulad ng vitamin C, D, iron at zinc, maaring humihina ang katawan laban sa mikrobyo.
Ang Halaga ng Right Nutrients and Vitamins for Immune System for Kids
Mahalaga ang right vitamins and minerals para sa paglakas at pagpapalusog ng mga bata. Ang vitamin A ay tumutulong para sa malinaw na paningin. Ang vitamin C ay sumusuporta sa immune health, at ang zinc ay mahalaga para sa matalas at alertong utak.
Napatunayan sa Frontiers in Immunology na mas bihira magkasakit ang mga batang may sapat na vitamins A, C, D, E, at zinc. Sa tamang nutrisyon, mas may panlaban ang mga bata sa sipon, ubo, at pagbabago ng panahon.
Para sa Adults, Mas Lalong Mahalaga ang Immune Support
Habang tumatanda naman, bumabagal ang abilidad ng katawan para labanan ang sakit. Kaya mahalaga ang vitamins for immune system for adults. Lalo na ang immune-support nutrients tulad ng zinc, iron, at vitamin D.
Sa Nutrients Journal, napatunayan na ang vitamin D at zinc ay pangontra sa respiratory infections sa matatanda tulad ng ubo, sipon, at pneumonia. Ang mga may sapat na nutrisyon ay mas mabilis gumaling at may mas matibay na depensa laban sa sakit.
Paano Pinapalakas ng Immune Nutrients ang Depensa ng Katawan?
Ang immune system ay parang grupo ng mga sundalo na nagbabantay at dumedepensa laban sa sakit. Narito ang mga pangunahing vitamins na nagsisilbing panangga ng katawan:
- Vitamin C – parang bantay na nagpo-protekta sa cells laban sa damage.
- Vitamin D – tumutulong magpaandar at magpalakas ng depensa ng katawan.
- Zinc – kasama sa paggawa at pag-activate ng mga bagong “panlaban” ng immune system.
- Iron – nagdadala ng oxygen sa cells para maayos na gumana ang buong katawan.
Sabi pa sa Frontiers of Immunology, kapag kulang ang alinman sa mga ito, humihina ang depensa ng katawan; parang sundalong walang sapat na sandata laban sa sakit.