MINDANAO, PHILIPPINES — Hindi lang Sarap Sustansya ang dinala ng MAGGI® sa mesa. Sa pamamagitan ng “Ramadan Mubarak by Nestlé” series, nakipag-connect din ang brand sa libo-libong Muslim families across Mindanao gamit ang flavorful meals, recipe inspiration, at meaningful moments para sa Iftar at Suhoor.
Ginanap ang event noong February 8-27, 2026 sa iba’t ibang parte ng North at South Mindanao kung saan 59, 758 ang total na dumalo. Mula dito, higit 53,000+ participants ang nakilahok sa MAGGI® initiatives, mula product sampling hanggang live cooking demos— making each stop a shared food experience for the community.
Sa tulong ng mga activities na ito, naipakita ng MAGGI® kung paano magluto ng mga pagkaing siksik sa sustansya at linamnam—perfect pang-sustento sa buong araw na fasting.
Kampante na Halal, Sigurado sa Lasa
Para sa MAGGI®, mahalagang mapanatili ang “trust and tradition” tuwing Ramadan.
Kaya naman, ibinida ng MAGGI® ang kanilang Halal-certified products gaya ng MAGGI® Magic Sarap®, MAGGI® Oyster Sauce, and MAGGI® Kari—mula sa mga pampalasa hanggang sa recipe ideas. Ang goal ng MAGGI® ay bigyan ng “peace of mind” ang bawat pamilyang Muslim, para kampante sila na ang bawat hain ay hindi lang masarap, kundi pasok din sa kanilang faith and values.
"We aim to bring our Halal Nestlé products closer to our Muslim brothers and sisters, and we hope to be part of the celebration of Ramadan," ani Michelle Ailah Capanzana, National Sales Manager ng Nestlé Philippines, sa isang interview mula sa Lanao del Sur Tourism Public Information Facebook page.
Mula Sultan Naga Dimaporo hanggang Cotabato City, pinatunayan ng MAGGI® na kapag kailangan i-level up ang luto, sila ang tunay na partner ng bawat kusinang Pinoy!