Alam mo ba kung ano pinagkaiba ng sterilized milk? Ito yung gatas na pinadaan sa mataas na temperature para mamatay ang mga harmful bacteria. Kaya mas safe at mas matagal ang shelf life nito. Pero ano nga ba ang benefits ng sterilized milk, at para kanino ba ito pinaka-angkop?
Alamin ang mga pangunahing benepisyo ng sterilized milk para sa kalusugan ng pamilya.
1. Ligtas Mula sa Mikrobyo
Mas nagiging ligtas ang umiinom ng sterilized milk laban sa sakit na dala ng mga mikrobyo tulad ng e. coli, salmonella, listeria, at iba pa. Ang pagpapa-init ng gatas sa mataas na temperature ay pumapatay ng karamihan sa mga delikadong bacteria na maaaring dumami dahil sa hindi malinis o hindi tamang pag-handle ng gatas.
Ligtas man sa mikrobyo, may tanong din madalas na, is sterilized milk good for an acidic person? Ang sagot ayon sa pag-aaral ay mas mainam na subukan muna ang low-fat o non-fat sterilized milk para mas siguradong safe.
2. Extended o Mahaba Ang Shelf Life
Dahil sa proseso ng sterilization kung saan pinapadaan sa mataas na temperature ang gatas, nawawala ang mga bacteria na pwedeng maging sanhi ng pagka-panis ng gatas. Sterilization ang susi kaya mahaba ang shelf life ng unopened sterilized milk kumpara sa non-sterilized milk. Kaya para sa mga busy at hindi madalas makakapag-grocery, malaking tulong ang sterilized milk dahil matagal ang expiry date nito habang hindi pa nabubuksan.
3. Praktikal Para sa Moderno at Pang araw-araw na Pamumuhay
Maraming pwedeng paggamitan ang sterilized milk. Bukod sa pwedeng baon araw-araw dahil ready-to-drink ito, puwede rin itong gamitin bilang ingredient sa maraming inumin at pagkain tulad ng kape, champorado, yema, o pastillas.
4. Mabuti Para sa Buto at Kalamnan
Ang BEAR BRAND® sterilized milk ay nagbibigay ng calcium, protein, zinc, at B-vitamins dahil ito ay fortified. Mahalaga ang B-vitamins para palakasin ang mga buto. Tumutulong din sa maayos na paggana ng mga kalamnan at mga ugat-ugat ng katawan, ayon sa Journal of Dairy Science.