Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Kailan nga ba ang Best Time to Drink Milk?

Alamin kung kailan pinakamainam uminom ng gatas para masulit ang nutrisyon at energy araw-araw.

5min
Batang naka-school uniform na umiinom ng gatas.

Isa ka ba sa mga magulang na nagtatanong kung kailan nga ba ang best time to drink milk para sa mga bata? Mahalaga ito dahil ang tamang timing ng pag-inom ng gatas ay nakakatulong upang masulit ang nutrition at energy araw-araw. 

Ang gatas kasi ay kilala bilang mayaman sa calcium, protein, at mga bitamina. Ngunit, may siyensya rin na nagpapaliwanag kung bakit mainam itong inumin sa tamang oras.

Best Time to Drink Milk Para sa Bata at Matanda

Ang best time to drink milk ay maaaring mag-iba depende sa edad, pamumuhay, at layunin sa kalusugan. Sabi ng mga eksperto mula sa National Institutes of Health (NIH), at kay Miss B na isang registered nutritionist, ang gatas ay nakakatulong sa pag-develop ng buto, lalo na sa mga bata kung iinumin ito sa umaga o bago pumasok sa eskwela.

 

Sa umaga

Para sa mga bata, ang pag-inom ng gatas sa umaga ay nagbibigay ng dagdag na energy at focus. Nakakatulong ito upang mas maging alerto sila dahil mayroong protein at carbohydrates na nagsisilbing enerhiya para sa katawan.

 

Bago matulog

Sa kabilang banda naman, drinking milk sa gabi ay nakakakalma dahil sa tryptophan at magnesium content nito. Ayon sa isang pag-aaral sa American Journal of Clinical Nutrition, by drinking milk sa gabi, makakatulong ito sa mas mahimbing na pagtulog.

Benefits of Drinking Milk Every Day Ayon sa Siyensiya

Ang benefits of drinking milk everyday ay napatunayan na sa maraming pag-aaral. Ayon sa Harvard T.H. Chan School of Public Health, ang regular na pag-inom ng gatas ay nagbibigay ng:

 

Mas matibay na buto at ngipin

Ang calcium at vitamin D sa gatas ay mahalaga para sa matibay na buto at ngipin. Ang regular na pag-inom nito ay nakakatulong para lumakas ang buto at mabawasan ang banta ng osteoporosis pag tumanda. Mabisa rin ito para maging matibay at hindi madaling masira ang ngipin.

 

Mas mabilis na paglaki at growth development

Sa isang pag-aaral naman mula sa Medicine & Science in Sports & Exercise Journal, ang pag-inom ng gatas ay nakakatulong sa tamang paglaki at development ng mga bata dahil sa proteins na taglay ng gatas. Yung protein sa gatas ay parang tumutulong bumuo ng muscles, tissues, at iba pang parte ng katawan habang lumalaki ang bata.

 

Mas maayos at mahimbing na tulog

Base sa Frontiers in Nutrition (2021), ang melatonin at tryptophan na mga nutrients na nilalaman ng gatas ay nakakatulong sa relaxation. Dahil dito, mas madaling nakakatulog ang mga umiinom ng gatas at nakakakuha ng sapat na pahinga.

 

Mga Practical na Payo sa Pag-Inom ng Gatas

Ang tamang oras at paraan ng pag-inom ay makakatulong hindi lang sa energy at focus, kundi pati sa maayos na tulog at kalusugan ng buong katawan.

  • Kung aktibo sa umaga, mainam ang gatas bago magsimula sa mga gawain. Kung nahihirapan namang makatulog, mas mainam ang pag-inom ng gatas sa gabi.
  • Makukuha rin ang benefits of drinking milk everyday kapag sinabay ito sa pagkain. Halimbawa nito ay gatas sa almusal kasama ang whole grain bread o kaya ay oatmeal.
  • Pumili ng tamang gatas tulad ng BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk na may 100% vitamin C and D, pati na calcium, protein, iron, at zinc.

 

Sa totoo lang, ang tamang oras ng pag-inom ng gatas ay depende sa daily routine at health goals niyo bilang pamilya. Walang nag-iisang best time to drink milk. Sabi nga ni Miss B na isang registered nutritionist, depende na yan sa routine sa araw-araw. Basta ang mahalaga, uminom ng isang baso ng gatas araw-araw.

Kaya kung hindi pa bahagi ng pang-araw-araw na routine ang pag-inom ng gatas, simulan na ngayon. Isa itong habit na malaking tulong sa kalusugan ng buong pamilya.

 

References:

National Institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Diseases. (n.d.). Calcium and vitamin D: Important for bone health. U.S. Department of Health & Human Services. https://www.niams.nih.gov/health-topics/calcium-and-vitamin-d-important-bone-health

Harvard T.H. Chan School of Public Health. (n.d.). Milk. The Nutrition Source. https://nutritionsource.hsph.harvard.edu/milk/

Cockburn, E., Bell, P. G., & Stevenson, E. (2013). Effect of milk on team sport performance after exercise-induced muscle damage. Medicine & Science in Sports & Exercise, 45(8), 1587–1594. https://doi.org/10.1249/MSS.0b013e31828b35c3

Huschtscha, Z., Parr, A., Porter, J., & Costa, R. J. S. (2021). The effects of a high-protein dairy milk beverage with or without progressive resistance training on fat-free mass, skeletal muscle strength and power, and functional performance in healthy active older adults: A 12-week randomized controlled trial. Frontiers in Nutrition, 8, 644865. https://doi.org/10.3389/fnut.2021.644865

Frontiers Media. (n.d.). Frontiers in Nutritionhttps://www.frontiersin.org/journals/nutrition

Irondi, E. A. (2023). Natural and modified food hydrocolloids as gluten replacements in baked foods. Food Hydrocolloids. https://doi.org/10.1016/j.foodhyd.2023.108030

Naghoni, B. K., Kęska, A., & Ebrahimi, M. (2024). The effect of milk consumption with different temperatures after resistance exercise on appetite and energy intake in active girls: A pilot study. Biomedical Human Kinetics, 16(1), 139-144. https://doi.org/10.2478/bhk-2024-0014