Mas madalas magsimula ang pagbabasa ng mga bata sa bahay, sabi ng National Institute of Literacy. Kaya importante na ikaw ang mag-guide sa kanila. Sa tulong mo, madi-discover ng anak mo ang saya ng pagbabasa.
Ito ang mga primary skills kung paano simulan ang basic reading for kindergarten:
Marungko approach
Ito 'yung paraan ng pagtuturo ng pagbasa sa Filipino gamit ang tunog ng letter, hindi base sa normal na pagkakasunod ng alphabet. Sa kanta at kuwento, natututo ang bata magdugtong ng tunog para makabuo ng syllables, salita, phrases, at sentences. Para makakita ng example, panuorin itong Tibay Lesson.
Phonemic awareness
Sanayin mo ang anak mo na marinig ang bawat tunog sa isang salita. Parang sa 'dog,' dapat ma- identify niya 'yung /d/, /o/, at /g/. Matututunan niya rin dito kung ano ang mga salita na magkakatunog (rhyme), at kung paano pagsama-samahin 'yung mga tunog para mabuo ulit ang salita.
Phonics
Importante sa pagbabasa, ang pag-match ng letter sa tunog. Halimbawa, ang letter "B" ay may tunog na /b/, tulad ng sa "ball" at "baby". Matututunan din nila ang mga salitang magkakapamilya gaya ng “bat,” “cat,” at “hat.” Panuorin mo ang mga Tibay Lessons na ito para sa magagandang examples na puwedeng ituro sa anak mo.
Print and book awareness
Kailangan na ituro sa bata na ang binabasa ay nagsisimula sa kaliwa papuntang kanan at galing sa taas pababa. Matututunan din nila na ang mga salitang binubuo ng letters at may space sa pagitan. Tinutulungan din sila na maintindihan ang parts ng naka-print sa libro, gaya ng title, kung sino ang sumulat, at paano gamitin ang page numbers.
Sight words
Ang sight words o mga pangunahing salita ay 'yung mga madalas na ginagamit na salita sa sentences para makabuo ng tuloy-tuloy na pagbasa. Example ng mga salita na ito ay “ako,” “siya,” “ito,” “sa,” at “ay.” Ang iba pang examples ay mga numbers gaya ng “isa,” “dalawa,” “tatlo”.
Basic comprehension at engagement
Sa skill na ito, natutuwa ang bata kapag binabasahan siya ng kuwento. Nakakakuwento na rin sila sa sarili nilang paraan. Nakakasagot at nakakapagtanong na sila tungkol sa mahahalagang detalye ng binasa nila o ng mga pictures na nakita.
Kapag na-master ng anak mo ang mga skills na ito, madali na sa kaniya ang pagbasa ng maiikling kuwento at mga simpleng sentences.
Mga Tamang Reading Materials for Kindergarten
Importante na pumili ka ng mga reading materials for kindergarten na tama sa edad nila at nakakatuwang basahin. Kaya, maghanap ka ng mga librong may makukulay na pictures. Tapos, mas maganda kung interactive din kagaya ng may pop-ups or flashcards. At syempre, mas maaaliw ang mga bata kung 'yung kuwento may theme na familiar sa kanila, kasi siguradong maeengganiyo silang magtanong.
Ito ang mga examples ng reading materials for kindergarten na puwede ninyong basahin nang magkasama kayo:
Picture books
Ito ay uri ng libro para sa mga bata kung saan ang mga larawan ay kasinghalaga ng mga text sa kuwento. Ayon sa pagsusuri ng Journal of Experimental Child Psychology, ang pagbabasa ng picture storybooks kasama ang iyong anak ay isang effective na paraan para matulungan silang matuto magbasa.
Madalas, ang mga libro na ito ay may simpleng text, makukulay na pictures, at maikli lang ang mga pages. Ang mga halimbawa ng ganitong libro ay ang Naaay! Taaay! ni Kristine Canon at A is for Adobo: ABCs of Filipino Culture ni G.M. Reyes.
Rhyming and sing-song books
Ito ay mga libro na pambata na gumagamit ng rhyme, rhythm, at music sa wika upang magkuwento o magturo ng konsepto. Ang text ng mga libro na ito ay may mga salitang nagra-rhyme sa dulo ng bawat linya o sentence, kaya nagiging masaya at magaan pakinggan kapag binabasa nang malakas.
Basahin sa iyong anak ang Bum Tiyaya Bum: Philippine Nursery Rhymes and Verses ni Rene O. Villanueva at Treasury of Nursery Rhymes ni Lucy Cousins para sumaya ang inyong araw.
Song lyrics
Kapag binabasa ninyo ng iyong anak ang lyrics ng mga kantang pambata, natututo siya tungkol sa rhyme and rhythm. Nakakakuha rin siya ng mga bagong salita at natutuwa habang ginagawa ito. Bukod pa rito, ang pagkanta ay effective na paraan upang mapabuti ang kanilang memorya at kakayahang makinig nang mabuti.
Masayang matutunan ng iyong anak ang mga kantang pambata tulad ng Bahay Kubo (iginuhit ni Pergelyne Acuna) at Old Macdonald Had a Farm.
Digital story books
Ang mga ito ay interactive na libro na puwede ninyong basahin ng iyong anak sa tablet o computer. Di tulad ng karaniwang picture books, ang mga digital story book ay may kasamang sound effects at option na puwedeng marinig ang kuwento habang binabasa ito.
Halimbawa ng mga website na maaaring puntahan para sa mga digital story books ay ang Storyline Online at BuriBooks.
Kid-friendly magazines, dictionaries, and comics.
Ang mga kid-friendly magazines ay makukulay na babasahin na may maiikling articles at mga masasayang quizzes at tests. Halimbawa ay ang Chirp at National Geographic Little Kids.
Ang kid-friendly dictionaries naman ay gumagamit ng pictures at simpleng depinisyon na madaling maintindihan ng mga bata. Halimbawa nito ay ang Pambatang Diksyonaryo.
Ang mga kid-friendly comics ay mga kuwento na isinasalaysay gamit ang kombinasyon ng visual storytelling at simpleng text sa loob ng mga speech bubble. Isang classic na libro na ginawang comics ay ang Dr. Seuss Graphic Novel: Cat Out of Water - A Cat in the Hat Story ni Art Baltazar.
Masasaya at Effective na Reading Exercises for Kindergarten