Naaalala mo ba, noong bata ka pa, kailangan mong maubos ang pinapainom sa iyo na gatas bago ka makaalis ng lamesa? Alam na kasi ng nanay mo na ang milk nutrition ay importante para ikaw ay lumaki nang malakas at malusog.
Sobrang importante ang gatas. Pero ano nga ba 'yung mga milk nutritional facts, nutrients, at vitamins in milk na nagpapa-special talaga rito?
Ano ang Meron sa Gatas at Bakit Siya Special?
Puno ang gatas at mga dairy products ng milk nutrients na tumutulong sa pagpapatibay at pagpapalusog ng katawan ng anak mo. Kahit nagsisimula na silang kumain ng iba-ibang pagkain, huwag mong aalisin ang dairy sa diet nila. Importante ang nutrients mula sa gatas para sa overall health.
Ito ang ilan sa mga essential nutrients na makukuha nila sa pag-inom ng gatas:
Protein
Ito ang nagpapalaki sa mga bata. Nagbubuo ito ng mga tissue (muscles at organs) sa katawan nila. May essential amino acids ang milk protein na casein at whey para tulungan ang mga bata na tumangkad. Ang whey, kailangan yan para sa pagpapalakas ng muscles, at ang combination naman ng casein at whey, tumutulong sa pagpapatibay ng mga buto ng bata.
Calcium
Gusto mo tumibay ang buto at ngipin ng anak mo? Kailangan may sapat na calcium siya sa katawan. Kung wala siyang mga calcium-rich food at drinks sa diet niya, posibleng humina ang kanyang ngipin at magkaroon ng tooth decay. O kaya naman, puwede siya magkaroon ng rickets, o pagkahina at paglambot ng buto.
Vitamin D
Parang sidekick 'yan ni calcium. Tinutulungan niya na mas mabilis ma-absorb ng katawan ng mga bata ang calcium para tumibay lalo ang buto. Sumusuporta rin sa healthy growth nila ang vitamin D.
Zinc
Sinasuportahan nito ang tamang paglaki ng bata at pinapanatiling matibay ang kanilang immune system.
Iron
Nasa mga fortified na gatas ‘to. Tumutulong ito sa normal na pagbuo ng red blood cells at hemoglobin para maayos ang daloy ng oxygen sa katawan ng mga bata. Nagbibigay din siya ng lakas, maayos na brain development, at matibay na resistensya.
Vitamins A at B-complex (B2, B6, B12)
Para sa clear eyesight at immunity itong vitamin A. Ang B vitamins naman, nagbibigay ng energy at para magkaroon ng maayos na nervous system ang anak mo.
Vitamin C
Meron ang mga gatas na fortified nito. Ang vitamin C ay nagpapabuti ng gana sa pagkain ng mga bata, tumutulong sa pag-absorb ng iron, at nagbibigay ng malusog na balat