Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Why Sinigang is the Definition of Filipino Comfort Food

5min
MAGGI® Magic Sinigang Original Sampalok Mix

Nandito na ang rainy season, at kasabay nito ang cravings natin para sa mainit at comforting na sabaw. At pagdating sa mga ulam na may sabaw, siguradong laging kasama sa top choices ang sinigang!

Ang sinigang ay isa sa mga pinaka-iconic na Filipino dish na minahal ng maraming Pilipino—isang lutong bahay staple na makikita rin sa mga high-end Filipino restaurants. Kaya naman hindi nakakapagtaka na tinuturing itong ultimate Filipino comfort food. Pero bakit nga ba? Here are 3 reasons why!

Magic ng Asim at Linamnam

Ang sinigang ay kilala sa namumukod-tanging asim at linamnam ng sabaw nito, na kadalasang mula sa sampalok. Mas sumasarap pa ito dahil sa malambot na karne gaya ng pork o hipon at mga sariwang gulay tulad ng kangkong, labanos, at gabi. Mukha lang madaling gawin ang sinigang dahil pinapakuluan lang ang sangkap pero mahirap makuha ang perpektong balanse ng asim at sarap. Diyan pumapasok ang MAGGI® Magic Sinigang Original Sampalok Mix para mas madaling ma-achieve ang tamang timpla ng sinigang na siguradong mapapa-extra rice ka!

Now imagine this! Malamig ang gabi, bumubuhos ang ulan na may halong kulog pero may comfort ka ng sinigang at mainit na kanin. Solb na solb ang kain! 

Walang Maling Sinigang

Isa sa pinaka-versatile na Pinoy ulam ang sinigang dahil madali itong iangkop sa kung anong available na sangkap sa kusina, basta may tamang asim at linamnam. Para sa protein, karaniwang ginagamit ang pork belly, pero puwede rin ang beef, fish, shrimp, at marami pang iba.

Pagdating sa pampaasim, sampalok ang madalas gamitin, pero puwede ring gumamit ng kamias, bayabas, hilaw na mangga, kalamansi, o santol. At kung gusto mo ng mas mabilis at mas convenient na paraan, puwedeng umasa sa MAGGI® Magic Sinigang Original Sampalok Mix para mas mapadali ang pagluluto nang hindi nawawala ang kilalang asim at linamnam ng sinigang.

Sa gulay naman, karaniwang ginagamit ang kangkong, sitaw, talong, okra, at labanos—pero sa sinigang, halos walang maling combination basta masarap para sa’yo!

Punta lang sa nestlegoodnes.com para sa mga recipes at iba’t ibang creative twist sa sinigang tulad ng ating Watermelon Sinigang recipe.

Warms The Tummy and the Heart

Hindi lang basta masarap ang asim at linamnam ng sinigang—nagdadala rin ang mainit na sabaw nito ng tunay na comfort, lalo ngayong malamig ang panahon at malakas ang ulan. Habang naririnig mo ang patak ng ulan sa bubong, mas lalo mong hahanapin ang isang mainit na mangkok ng sinigang sa lamesa. Sa bawat higop ng sabaw, unti-unting nawawala ang lamig ng katawan at napapalitan ito ng ginhawa.

Ang sinigang ay isa sa mga ulam na masasabi mong nagpapalakas ng bond ng pamilya lalo kapag nagsimula nang mag-agawan ang pamilya sa paboritong sahog at nagkapasahan ng patis at sili, doon mo maiisip na hindi lang pala tiyan ang binubusog ng sinigang. Pinupuno rin nito ang puso natin ng saya, init, at mga simpleng alaala ng tahanan na hinding-hindi natin malilimutan.

The Verdict: Sinigang is Life!

Hindi lang basta ulam ang sinigang—bahagi na ito ng kulturang Pilipino. Ito ang sagot natin sa malamig na gabi, sa pagod na katawan, at sa paghahanap natin ng pamilyar na lasa ng tahanan. Sa tamang asim at linamnam na dala ng MAGGI® Magic Sinigang Original Sampalok Mix, madali nang makapaghain ng isang mangkok na puno ng comfort at pagmamahal. Kaya ano pang hinihintay mo? Mag-sinigang na tayo ngayong maulang panahon!