Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Laging Pagod? Baka Kailangan Mo ng Vitamin B!

Alamin kung paano nakakatulong ang vitamin B para sa energy, pagka-listo ng utak, at kalusugan ng katawan.

5min
Nanay na mukhang pagod at antok.

Kung madalas makaramdam ng pagod ang isang tao, hirap mag-focus, o parang kulang ang energy sa araw-araw, baka hindi lang simpleng puyat o stress ang dahilan. Maaaring kakulangan ito sa vitamin B. Ito ang mahalagang grupo ng nutrients na may kinalaman sa kalusugan at pagka-listo ng utak.

Ano Ang Vitamin B at Bakit Mahalaga Ito?

Ang vitamin B ay hindi iisang bitamina lang kundi isang pamilya ng nutrients na tinatawag na B vitamins. Kabilang dito ang B1 (thiamine), B2 (riboflavin), B3 (niacin), B5 (biotin), B6 (pyridoxine), B7 (pantothenic acide), B9 (folate), at B12 (cobalamin).

Para mas maintindihan kung bakit mahalaga ang mga B-vitamins sa araw-araw, heto ang maikling guide sa kanilang mga role sa katawan. Bawat isa sa mga B-vitamins ay may sariling benefit na kapag kumpleto, mas ganado, mas alerto, at mas balanced ang pakiramdam.

  • Ang B1 (thiamine) ay tumutulong i-convert ang kanin, tinapay, o pasta sa energy.
  • Ang B2 (riboflavin) ay nag i-improve ng production ng parte ng dugo na nagdadala ng oxygen sa katawan.
  • Ang B3 (niacin) ay sinusuportahan ang healthy network ng mga ugat sa katawan.
  • Ang B5 (pantothenic acid) ay tumutulong sa pag-breakdown ng fats at carbs para sa energy.
  • Ang B6 (pyridoxine) ay sinusuportahan ang panlaban ng katawan sa impeksyon at tumutulong sa produksyon ng serotonin na pampakalma sa mood ng tao.
  • Ang B7 (biotin) ay mahalaga para sa healthy skin, hair, at nails at sa pag-convert ng pagkain para maging energy.
  • B12 (cobalamin) ay mahalaga sa kalusugan ng utak at pampalakas ng produksyon ng red blood cells.

 

Epekto ng Vitamin B sa Mood at Memory

Sabi sa pag-aaral sa Nutrients Journal, ang kakulangan sa vitamin B ay direktang nakakaapekto sa disposisyon, memorya, at kalusugan ng utak.

Ipinaliwanag dito na ang B vitamins ay mahalaga para sa paggawa ng neurotransmitters, o ‘yung mga kemikal ng utak na responsible sa focus at magandang mood. Kapag kulang ang isang tao sa mga ito, mas madali siyang mapagod mentally, nagiging iritable, nahihirapang mag-concentrate, at minsan ay nakakaranas pa ng pagka-ulyanin.

Ibig sabihin, hindi lang tungkol sa physical energy ang B vitamins kundi malaki rin ang role nito sa pagiging mentally sharp, kalmado, at mas klaro ang pag-iisip sa araw-araw.

 

Paano Nakakatulong ang Vitamin B sa Enerhiya

Ang B vitamins ay tinatawag na “energy vitamins” dahil sila ang katuwang ng katawan sa pag-convert ng pagkain, lalo na kanin, tinapay, o pasta, para maging fuel o lakas ang mga ito. Hindi nagbibigay ng energy ang B vitamins, pero sila ang nagpapaandar sa proseso para magamit ng katawan nang tama ang energy galing sa pagkain.

Kapag kulang ang B vitamins, parang mahina ang makina ng katawan. Kahit kumain ka nang kumain, hindi agad nagagamit ng katawan ang energy mula sa pagkain. Kaya mas madali kang mapagod, hingalin, o mawalan ng gana kumilos. Minsan, pati utak ay sumasabay din sa pagod kaya mas mabagal mag-isip, mas hirap mag-focus, at parang laging low batt ang isang taong kulang sa B-vitamins.

 

Tulong ng Vitamin B sa Kalusugan ng Katawan

Bukod sa tulong nito sa pagbibigay ng energy at pagpapabuti ng focus at concentration, malaki rin ang role ng vitamin B complex sa malusog na balat, buhok, at immune system.

Ang B vitamins gaya ng B2 (riboflavin), B3 (niacin), B7 (biotin), at B12 (cobalamin) ay tumutulong sa cell repair at cell regeneration, na mahalaga para mapanatiling smooth ang balat, maiwasan ang dryness, at mapabagal ang signs ng aging. 

Ang biotin naman ay kilalang tumutulong sa pagpapatibay ng buhok at kuko, kaya mas less ang hair fall at mas maganda ang overall hair health.

Sa immune system, kailangan ng katawan ang folate at vitamin B6 para makagawa ng healthy immune cells na lumalaban sa infection. Ayon sa isang clinical review, ang sapat na B vitamins ay nakakatulong para mas mabilis ang response ng immune system at mas effective makalaban sa mga pathogens na nagdudulot ng sakit.

 

Vitamin B Complex: Parte ng Nutrisyon sa Araw-Araw

Ang vitamin B complex ay kombinasyon ng iba’t ibang B vitamins sa isang tableta, capsule, o inumin para masiguro ang sapat na dosage ng vitamin B araw-araw.

 

Best time to take vitamin B complex

Ang best time to take vitamin B complexay kasabay ng almusal. Mas mabuti ito kesa sa gabi para maiwasan ang pagiging balisa sa pagtulog, ayon sa Medical News Today.

 

Vitamin B complex dosage for adults

Ayon sa National Institutes of Health (NIH), ang recommended dosage ng vitamin B ay karaniwang nasa 50–100mg ng B1, B2, at B3. Kasama rito ang tamang dosage ng B6, B9, at B12 batay sa NIH Dietary Reference Intakes

Alamin ang tamang dosage ng vitamins B6, B9, at B12 ayon sa recommendation ng doktor o dietician. Kung tatantiyahin, ang katumbas na tamang dosage ng vitamin B ay isang pirasong isda, karne, o itlog. Tandaan na mas maiging magpakonsulta muna sa doktor bago uminom ng supplements upang masiguro na sakto ang mga ito para sa iyong pangangailangan.

Para makumpleto pa ang ibang vitamins at nutrients bukod sa vitamin B, ugaliing uminom ng BEAR BRAND® Adult Plus. May 2x vitamin B6, B9, at B12 at TIBAY-nutrients na calcium, protein, at vitamin C & D kumpara sa regular powdered milk.

Kung madalas kang makaramdam ng panghihina, huwag agad isisi sa stress o dahil sa kulang sa tulog. Maaaring senyales ito na kailangan mo ng vitamin B. Sa pamamagitan ng tamang pagkain at tulong ng vitamin B complex, mas mapapanatili mong aktibo, alerto, at malusog ang iyong katawan. Kaya para active palagi ang pamumuhay, huwag kalimutan ang pag-inom ng sapat na vitamin B.

 

References:

Vitamin and Mineral Supplement Fact Sheets. National Institutes of Health.
Clearing up a foggy memory. Harvard Health Publishing, 2025.
Dietary Reference Intakes Summary Tables. National Library of Medicine.
B Vitamins and the Brain: Mechanisms, Dose and Efficacy—A Review. Kennedy, D. O., 2016.
The best time to take vitamins: Recommendations for different types. Medical News Today.