Pagdating sa mga indigenous ingredients tulad ng gulay, seafood, at spices, mayaman ang Mindanao diyan! Kaya nga kilala ang rehiyon na ito sa mga recipes tulad ng Chicken Biryani, Beef Rendang, at iba pa. Mga lutuing balanse sa sarap, sustansya, at may kick ng anghang. Kung isa kang newbie sa kusina at hanap mo’y lutuin na kakaiba pero masustansya, narito ang MAGGI® para ituro sa’yo ang ilang regional dishes from the far south.
Huwag mag-alala! Sinigurado namin na ang mga recipes na nasa listahan pasok sa budget at nakakabusog pa. Bukod pa doon, taga-Luzon ka man, Visayas, o Mindanao—naghanda rin kami ng mga alternative ingredients kung sakaling hindi madaling mahanap ang nasa recipe. O ano pang hinihintay mo? Let’s Cook with Magic!
The Healthy Staple: Palapang Sakurab
Pamilyar ka ba sa atsara? Kung oo, marahil ay nag-iisip ka kung anong staple condiment ang counterpart nito sa Mindanao. Ang sagot diyan ay ang Palapang Sakurab! Gawa ito sa sakurab (isang uri ng native scallion mula sa Mindanao), iba’t-ibang chilies and spices, at turmeric powder. Para lutuin, ginigisa lamang ang mga ingredients sa isang kawali hanggang sa manuot ang flavors at aroma nito. Then, add a pinch of MAGGI® Magic Sarap® pandagdag sarap! Pagkatapos lutuin, pwedeng kainin ang Palapang Sakurab as it is o pwedeng ring i-pares sa mga kanin at ulam.
Simply Good tip: Kung mahirap humanap ng sakurab sa inyong palengke, pwedeng gumamit ng shallots o Sibuyas Tagalog.
Nutritious with a Kick: Spicy Red Munggo
Kung ang mga taga-Luzon ay may tradisyon na magluto ng Ginisang Munggo tuwing Biyernes, ang mga taga-Mindanao naman ay may Spicy Red Munggo tuwing may okasyon! Imbes na sinabawan, sa regional recipe na ito ay ginigisa ang munggo kasama ng palapang sakurab, itlog, at turmeric. Ginagamit din ang MAGGI® Magic Sarap® bilang pampalasa dito dahil gawa ito sa real chicken pieces at mga gulay. Kahit walang sabaw, masustansya pa rin itong recipe dahil siksik sa nutrients ang munggo at may dagdag protina pa mula sa itlog.
Simply Good tip: Spicy Red Munggo is best served with grilled or fried fish.
Kakaibang Sarap Sustansya: Piaparang Ampalayang Uwak
Nagsasawa ka na ba sa ginisang ampalaya? Huwag kang mag-alala! You can spice it up with Piaparang Ampalayang Uwak. Gawa ito sa ampalayang uwak o kilala rin bilang palia na uwak, isang uri ng bitter gourd na native sa Mindanao. Mas maliit ito kumpara sa ampalaya na nasakanayan, pero it’s still packed with flavor at siksik pa rin sa nutrients. Para gawin ito, kailangan lang ulit igisa ang mga ingredients at budburan ng MAGGI® Magic Sarap® para mas manuot ang linamnam.
Simply Good tip: Bantayan ng maigi ang paggisa para makuha ang tamang texture ng ampalayang uwak—malabot at hindi matigas kapag kinagat.
Protein-Rich Ulam: Inaluban Tuna
Bukod sa mga local ingredients tulad ng sakurab, red munggo, at ampalayang uwak, kilala din ang Mindanao sa kanilang fresh seafood! Kaya nga we saved the best for last! Ito ang protein-rich na Inaluban Tuna. Sino ba namang hindi mai-in love sa lutuing ito—gawa sa pinalambot na tuna belly, covered with creamy and spicy sauce na gawa sa coconut milk, at may kaunting anghang pa. Ito ‘yung tipo ng lutuin na gaganahan kang lutuin bawat linggo kasi masustansya at siguradong masarap!
Simply Good tip: Pwedeng ibudbod o ipahid sa tuna belly ang MAGGI® Magic Sarap® bago ito iprito. Makakatulong ito upang gawing mas tender ang karne.
Pasarapin ang Regional Recipes with Magic!
There you have it! Sa dami ng mga masasarap na regional recipes sa listahan, para ka na ring nag-tour sa iba’t ibang parte ng Mindanao. Patunay ang rehiyon na ito na hindi kailangang gumastos ng malaki para maging healthy—minsan, kailangan mo lang maging maparaan at gamitin ang mga local ingredients sa iyong paligid. Tandaan, lagi mong kasama ang MAGGI® sa pag-explore sa kusina at ng mga cuisine mula sa Pilipinas hanggang sa buong mundo.
For more recipes and magical tips, visit www.nestlegoodnes.com!