Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Kailangan pa ba Talaga Uminom ng Milk for Adults?

Madalas isipin na ang gatas ay para lang sa mga bata. Kailangan pa ba talagang uminom ng milk for adults? Alamin ang sagot at kung nakakatulong ba ito sa kalusugan.

5min
Asyanong babae na may hawak na isang basong gatas.

Habang bata, sapat na ang basic nutrients para suportahan ang paglaki. Pero habang nagkaka-edad, mas tumataas ang demand ng ating katawan sa mga nutrients gaya ng B vitamins, vitamin D, calcium, iron, at iba pa. Hindi lang basta presensya ng mga ito ang kailangan, kundi ang mas mataas na dosage o sapat na dami nito para mapanatiling malakas at matibay ang ating katawan. Buti na lang, ang mga milk for adults ngayon ay talagang binuo para magbigay ng mas kumpletong support na akma sa pangangailangan ng katawan habang tumatanda.

Mabuting alamin kung bakit sobrang importante ang milk for adults at kung anu-ano pa ba ang iba't ibang klase nito.

 

5 Amazing Benefits ng Milk for Adults

Habang nagkakaedad, nagiging mas sensitive ang katawan sa iba’t ibang health issues. Puwedeng magsulputan ang mga sakit gaya ng osteoporosis, pati na ang panghihina ng mga joints. May mga pagkakataon din na nagkakaroon ng memory fog o kaya ay pamumutla ng balat, kaya importante na bantayan ang mga pagbabagong ito para tuloy-tuloy na mapangalagaan ang kalusugan. 

Ang kakulangan sa vitamins at minerals ang isa sa mga dahilan kung bakit naglalabasan ang mga sakit-sakit na 'yan. Madaling manghina ang katawan habang nagkakaedad kaya ang isang magandang tulong ay ang pag-inom ng milk for adults na mayaman sa sustansiya naayon sa kailangan ng mga nakakatanda. Natural source ng protein, calcium, potassium, at phosphorous ang gatas. Kung fortified milk for adults naman, meron itong dagdag nutrients tulad ng vitamin C at vitamin D. Kailangan ang mga nutrients na ito para sa malusog na buto, muscles, at puso. 

At para malaman mo, heto ang ilang benefits mula sa mga nutrients na makikita sa milk for adults:
 

1. Para sa matibay na buto at ngipin at para maiwasan ang osteoporosis

Habang nagkakaedad ka, natural lang na medyo nawawalan na ng kapal at tibay ang mga buto mo.  Kulang sa calcium, na nagpapatibay ng buto, ang halos lahat ng adults (91.4%) at mga senior citizens (91.3%) sa Pilipinas, sabi sa Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Kaya, sobrang importante ang pag -inom ng milk araw-araw for adults dahil mayaman ito sa calcium at protein na tulong para sa labanan ang osteoporosis, o pagnipis at pagrupok ng buto, at pagkasira ng ngipin.
 

2. Para sa malulusog na muscles at cell health

Kumpleto at high quality ang protein sa gatas. Merong 9 na essential amino acids sa milk for adults kasama na ang leucine na tumutulong sa paglakas ng muscles at pag-aalaga sa cells ng katawan. Para malaman mo, ang amino acids ay ang maliliit na molecules na bumubuo ng protein.

Malaking tulong din ang milk for adults para tulungang makapag-recover ang katawan pagkatapos mag-exercise. Dahil sa mga nutrients nitong taglay, pinapalakas nito ang protein production sa muscles ng katawan mo, at tumutulong din sa rehydration at energy recovery.
 

3. Para sa brain health at sharp memory

How to keep your memory sharp? Simple lang! Make sure you get enough vitamins and minerals tulad ng B vitamins, vitamin A, zinc, at magnesium. Importante ang mga nutrients na ito para sa healthy nerve function, brain development, at laban sa paghina ng memory.

Marami kang puwedeng gawin para magkaroon ng healthy brain at nerves. Ang isang mahalagang paraan ay ang pag-inom ng milk for adults na mayaman sa mga nutrients na ito. Subalit, tandan na kailangan mo pa rin ng regular na physical at mental exercise at recovery para sa brain health, okay?
 

4. Para malabanan ang sakit

Ang mga fortified milk for adults ay mayroong protein, vitamin D, vitamin A, zinc, iron at vitamin C na importanteng nutrients tulong para sa matibay na immune system. Kaya ugaliing uminom ng milk for adults para masuportahan ang pang-araw-araw na kalusugan. 

 

Mga Klase ng Milk for Adults

Importante na kapag ikaw ay 19 years old pataas, hindi na basta-basta ang gatas na iinumin mo. Dapat, yung gatas na sadyang ginawa para sa pangangailangan mo. Dahil dito, kadalasan, hindi na sapat ang sustansya sa gatas na pambata. Piliian ang milk for adults na para sayo.    

May iba't ibang klase ng milk for adults na puwede ikonsumo, depende sa kung ano ang hiyang sa iyo. Ito ang ilan sa kanila:
 

Ready-to-drink milk for adults

Kung on-the-go pero gusto pa rin ng healthy option, para sa iyo ’tong mga ready-to-drink milk. Hindi mo na kailangang sukatin o timplahin, kaya sure kang tama ang lasa pati na rin nutrients na makukuha mo. Perfect baon ang BEAR BRAND® Sterilized Milk kasi handy siya sa tetra pack.

Meron din itong Tibay support nutrients (calcium, B-vitamins, zinc) na kailangan ng mga busy na katulad mo. Kung gusto mo naman ng may added special ingredients in delicious vanilla flavor, try mo ang Ginseng at Gingko Biloba flavors, masarap at nakaka-refresh lalo na pag chilled!
 

Fortified powdered milk 

Ito ang milk for adults na specially formulated at dinagdagan ng dobleng vitamins at minerals vs children regular fortified powdered milk drink na kailangan ng mga age 19 pataas. Para sa mga adults na may sapat na Tibay, piliin ang ang BEAR BRAND® Adult Plus. Meron itong Tibay-Nutrients na tumutulong na makuha ang daily nutrition needs ng katawan. May Tibay katawan nutrients 100% Vitamin C at D, calcium at protein para sa malakas na buto at muscles. Plus may Tibay-isipan support nutrients din tulong para sa focus at concentration (Vitamin B6, B9, B12) at brain function (Taurine).

Kaya sa susunod na mag-grocery ka, isama na rin sa listahan ang milk for adults! Gawin itong bahagi ng daily diet para maging masigla at malusog ang katawan mula ngayon.

 

References:

  1. Rozenberg S, Body JJ, Bruyère O, Bergmann P, Brandi ML, Cooper C, Devogelaer JP, Gielen E, Goemaere S, Kaufman JM, Rizzoli R, Reginster JY. Effects of Dairy Products Consumption on Health: Benefits and Beliefs--A Commentary from the Belgian Bone Club and the European Society for Clinical and Economic Aspects of Osteoporosis, Osteoarthritis and Musculoskeletal Diseases. Calcif Tissue Int. 2016 Jan;98(1):1-17. doi: 10.1007/s00223-015-0062-x. Epub 2015 Oct 7. PMID: 26445771; PMCID: PMC4703621. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26445771/
  2. Rizzoli R. Dairy products and bone health. Aging Clin Exp Res. 2022 Jan;34(1):9-24. doi: 10.1007/s40520-021-01970-4. Epub 2021 Sep 7. PMID: 34494238; PMCID: PMC8794967. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34494238/
  3. Lo JC, Burnett-Bowie SA, Finkelstein JS. Bone and the perimenopause. Obstet Gynecol Clin North Am. 2011 Sep;38(3):503-17. doi: 10.1016/j.ogc.2011.07.001. PMID: 21961717; PMCID: PMC3920744. https://doi.org/10.1016/j.ogc.2011.07.001
  4. Adam Drewnowski. “Perspective: Milk and Dairy Provide Affordable High-Quality Protein and Merit Inclusion in the Protein Foods Group”. Volume 9, Issue 1, 2025, 104539, ISSN 2475-2991, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2475299124024739
  5. James LJ, Stevenson EJ, Rumbold PLS, Hulston CJ. Cow's milk as a post-exercise recovery drink: implications for performance and health. Eur J Sport Sci. 2019 Feb;19(1):40-48. doi: 10.1080/17461391.2018.1534989. Epub 2018 Oct 31. PMID: 30379113. https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1080/17461391.2018.1534989
  6. Vanessa Oliveira Farinha, Julien Vaucher, Pedro-Marques Vidal, Dairy products and hypertension: Cross-sectional and prospective associations, Clinical Nutrition ESPEN, Volume 63, 2024, Pages 597-603, ISSN 2405-4577, https://doi.org/10.1016/j.clnesp.2024.07.020. https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2405457724002262
  7. María V. Calvo, Viviana Loria Kohen, Carmen Díaz-Mardomingo, Sara García-Herranz, Shishir Baliyan, João Tomé-Carneiro, Gonzalo Colmenarejo, Francesco Visioli, César Venero, Javier Fontecha, Milk fat globule membrane-enriched milk improves episodic memory: A randomized, parallel, double-blind, placebo-controlled trial in older adults, Journal of Functional Foods, Volume 111, 2023, 105849, ISSN 1756-4646, https://doi.org/10.1016/j.jff.2023.105849. https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1756464623004498
  8. Singh DN, Bohra JS, Dubey TP, Shivahre PR, Singh RK, Singh T, Jaiswal DK. Common foods for boosting human immunity: A review. Food Sci Nutr. 2023 Aug 18;11(11):6761-6774. doi: 10.1002/fsn3.3628. PMID: 37970422; PMCID: PMC10630845. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC10630845/
  9. Republic of the Philippines. Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute. https://fnri.dost.gov.ph/index.php/publications/writers-pool-corner/57-food-and-nutrition/857-more-pinoy-adults-elderly-at-risk-for-osteoporosis-alarming-dost-fnri