Sa panahon ngayon, hindi talaga mapipigilang mapailing sa taas ng presyo ng mga bilihin. Araw-araw na hamon ang mag-isip ng ulam na masarap, may sustansya, at kasya sa budget — lalo na kung buong pamilya ang kakain. Pero don’t worry, hindi kailangang maging komplikado ang solusyon!
Kahit under ₱150 lang ang budget, basta may MAGGI® Magic Sarap® na may tamang timpla at konting diskarte, kayang gawing masarap, mura, at madali ang ulam ng pamilya. Here are 3 value meal ideas na sulit at madaling lutuin, made magical with a sprinkle of Magic.
Tortang Gulay: Protein-Rich Ulam for the Fam
Kapag bitin ang karne o gusto ng mas magaan na ulam, tortang gulay is a lifesaver.
Kung may repolyo at carrots ka na tira mula sa ibang putahe, dagdagan lang ng konting sibuyas at haluan ng itlog at mayroon ka nang ulam na siksik sa protina! Budburan ng MAGGI® Magic Sarap® at iprito hanggang golden brown.
Simple, nakakabusog, at swak sa kanin. Dagdagan pa ng sawsawan kung trip ng pamilya.
Simply Good Tip:
Ine-elevate ng itlog ang simpleng gulay into a hearty dish. Habang nilalabas naman ng MAGGI® ang homemade goodness nito kahit simple lang ang sangkap. Isang torta pero marami ang makakakain at nakakabusog pa.
Ginisang Gulay: One-Pot Comfort Food
Pechay, sitaw, o kung anong gulay ang mura sa palengke — igisa lang sa bawang at sibuyas, timplahan with MAGGI® Magic Sarap®, tapos lagyan ng binating itlog para mas nakakabusog. Sulit at masarap!
Ito ang klase ng ulam na pwedeng gawin kahit nagmamadali ka, pero ramdam pa rin ang comfort sa bawat kain. Perfect para sa busy weekdays na gusto mo pa ring makapaghain ng lutong bahay.
Magical Tip:
Para sa recipe na ito, piliin ang mga seasonal vegetables to keep the costs low. Kaya kahit ulit-ulitin mo, iba-iba pa rin ang magiging lasa dahil sa iba’t-ibang mix ng gulay. One-pan ulam pero sapat para sa buong pamilya at masustansya pa!
Classic Adobo: Long Lasting Favorite
Walang tatalo sa adobo pagdating sa sulit na ulam. Kahit maliit lang ang portion ng manok o baboy, puwede mong palakihin ang serving by adding boiled eggs o kaya extra sabaw. Timplahan with MAGGI® Magic Sarap® para siguradong kapit ang lasa sa bawat parte ng karne.
Mas masarap pa ito kinabukasan, kaya swak din kung gusto mong magluto nang maramihan.
Simply Good Tip:
Kahit pricey ang karne ng baboy o manok, kayang gawing pang maramihan ang Adobo ‘pag dinagdagan ng extenders tulad ng patatas, boiled eggs, sitaw, at iba pang affordable ingredients! Kapag may sobrang, pwedeng i-reheat at pambaon sa school o trabaho!
More Magical Tips Para Mas Maka-Tipid!
- Piliin ang gulay na in-season. Dahil may overproduction of goods, mas mura ang mga ito at garantisado na mas sariwa ang mabibili mo.
- I-stretch ang ulam with eggs or veggies
- Timplahan nang tama — kahit konti lang ang sangkap, lalabas ang sarap with MAGGI® Magic Sarap®!
- Magluto ng ulam na puwedeng kainin today, bukas, at kinabukasan
Sarap na Kayang Sabayan ang Budget
Hindi kailangang mamili kung gusto mong maghanda ng masarap at matipid na ulam for the fam. With everyday ingredients and MAGGI® Magic Sarap®, pwede pa ring magsalu-salo ang pamilya sa pagkaing may pagmamahal, kahit simple lang ang putahe.
Dahil at the end of the day, ang tunay na mahalaga ay panalo ang lasa at sama-sama ang pamilya.