Naranasan mo na bang sumakit ang tiyan mo pagkatapos uminom ng gatas, o kumain ng dairy-based na pagkain tulad ng cheese, yogurt, o ice cream? Baka hindi mo pa alam, pero posibleng lactose intolerant ka pala. Sa Pilipinas, base sa isang medical study sa Anthropological Association of the Philippines, nasa 50% ng population ang lactose intolerant.
Kaya tamang alamin: what is lactose intolerance at ano ba talaga ang mga lactose intolerance symptoms? Importanteng malaman ang kasagutan sa mga ito.
What Is Lactose Intolerance at Dapat Ka Bang Mag-alala Rito?
Ang lactose intolerance ay ang mahirap na pagtunaw ng lactose. Ito 'yung natural na sugar na makikita sa gatas at iba pang dairy products.
Kung ikaw ay isang lactose intolerant person, ibig sabihin ay kulang ka sa lactase—isang klase ng protein na tumutunaw sa lactose. Kaya pag nakakain ka ng pagkain na may lactose, naiiwan lang siya sa bituka mo.
Pero huwag kang kabahan! Hindi naman delikado ang pagiging lactose intolerant. Pero siyempre, nakakabigay lang talaga siya ng discomfort. Para hindi ka mag-panic tuwing nakakaramdam ng mga sintomas, magandang alaming kung paano ito i-manage.
Sino ang Puwede Maging Isang Lactose Intolerant Person?
Mas malaki ang chance na maging lactose intolerant ka kung ikaw ay:
- Kabilang sa mga lahing Aprikano, Asyano, Hispanic, o American Indian
- May lactose intolerance sa pamilya kasi namamana ito
- Mayroong sakit na nakakaapekto sa maliit na bituka (small intestine) tulad ng Crohn’s disease, isang uri ng inflammatory bowel disease (pamamaga ng digestive tract)